Chapter 4

1986 Words
She looked at him with determination in her eyes. Para sa mga bata, para sa mga bata Brielle. "Kailangan namin ng sponsor para sa charity event," pabalang na sabi niya. Amusement written all over his handsome face. First time sigurong makatanggap ng ganoong trato sa isang babae. Sanay siguro ang lalaking lahat ng babae lumuluhod sa harapan nito. Pwes! Pasensyahan, hindi siya ang uri ng babaeng tatablan ng kagwapuhan at appeal ng kumag na 'to 'no! Tumuwid ito ng upo. Dumekwatro pa sabay humalukipkip. "Why?" Nakataas ang sulok ng labing pinaglandas ang mga mata sa mukha niya. "Anong, why?" "Bakit dapat namin kayo bigyan ng sponsor. Paki-explain ng maayos. Dahil hindi kami basta-basta nag-s-sponsor lalo kung walang kabuluhan." From the word charity! wala bang kabuluhan iyon para dito! Nagsalubong ang mga kilay ni Brielle. "'Di ba nga charity? Tingin mo walang kabuluhan 'yun? Siguro naman alam mo na yearly ginaganap iyon. At sabi nga nitong kasama ko. Nag-sponsor kayo sa kanila last year." sabi niyang pigil na pigil ang inis. kunot-noong lumipad ang tingin ni Sebastian sa katabi niyang si Abigail na mukhang nahimasmasan na. "Really?" Paniniguro pa nito. Tumango-tango si Abigail. "Yes! Remember from tourism department? I'm, Abigail," anito at matamis na ngumiti. Gusto niyang dagukan ang kaibigan. May balak na naman yatang makipag-flirt! Lumalim ang kunot sa noo ng lalaki. Nag-iisip. Hinahalungkat sa memory bank ng mga babaeng nakilala nito ang pangalan ni Abigail. "Kasama ko si Maxine, Last year," pagpapaalala pa ni Abigail. Bumakas ang recognition sa mukha ng binata sa narinig na pangalan. "Yeah, yeah. Now I remember. How is she?" Gusto na namang umarko ng mga kilay ni Brielle. Siguro maganda ang Maxine na 'yun kaya nagliwanag ang mukha nito at naalala agad. "She's fine! Hang out daw minsan," kinikilig na pagpapatuloy ni Abi. Tumango-tango si Sebastian. "Sure, sure." Pag-sang ayon nito saka bumalik ang atensyon sa kaniya. Akala ni Brielle nalimutan na ng mga itong naroon siya. Umangat ang mga kilay nito. "Anyway, back to you, Miss?" Sa tonong parang tamad na tamad at napipilitan lang na alamin ang pangalan niya. Ang yabang lang talaga! Naku, naku! Kung hindi lang talaga dahil sa sponsor na kailangan ng charity nila. Nagwalked out na siya. Baka nga inapakan pa niya ang paa nito bago umalis. Aminado siya, mas maganda naman talaga sa kanya si Abigail. Kahit ipinipilit nitong maganda rin siya. Pero hindi siya panget! Plain at boring siguro tanggap pa niya. "Brielle." aniya. Humimas-himas ang lalaki sa baba nito. "Same question. Bakit namin kayo dapat sponsor-an? at ayoko ng sagot na pilosopo, Miss." Biglang parang nalululon ni Brielle ang sariling dila. When she realized he's staring at her. Sa tanang buhay niya. Ngayon lang siya nakakita ng ganoon kagandang mga mata, hazel brown eyes. Maging ang paraan ng pagtitig nito sa kabuuan, hindi niya mabigya ng kahulugan para ba iyong nagdudulot ng kakaibang init na bago sa kaniyang pakiramdam. Gusto niya tuloy ma-concious. For sure haggard na ang mukha niya. First subject pa naman niya kanina P.E. malamang lapotness at oily na ang feslak niya. Samantalang tshirt na puti, jogging pants na itim at naka-pony tail ang mahabang buhok. Isang plain jane kung i-describe niya. Hindi siya nilulubayan ng tingin ni Sebastian. Pinagmamasdan ang kabuuan niya, mula ulo hanggang paa. Parang isang detective na ini-enterrogate taong may sala. Hindi tuloy magawa sumagot ni Brielle. Parang siyang napipi. Hindi makaapuhap ng sasabihin! Brielle, Ano natupi ka na? Tinitigan ka lang! Pasimpleng ipinilig niya ang ulo. Huminga ng malalim. Nakatulong iyon upang kumalma ang sikmura niyang parang may mga paru-parong nagwawala. "Sinabi ko na nga 'di ba? Para sa charity ito. Mamimigay kami ng mga school supplies at educational toys para sa mga bata," sa wakas may salitang lumabas sa bibig niya. "Pare-parehas na lang bang ganyan ang mga ginagawa ng charity dito sa University? I mean, wala na bang iba na mas makabuluhan diyan? For centuries puro ganyan nalang yata ang kawang gawa." patamad anito. Nagpanting ang tenga ni Brielle sa narinig at bumalik ang inis na naramdaman kanina. Aba, hindi lang pala ito antipatiko at mayabang. Masama din ang ugali! Naningkit ang mga mata niya. Kumukulo ang dugo niya at nag-uusok ang bumbunan sa galit. Naramdaman niya ang marahang paghigit ni Abigail sa kaniyang braso marahil upang pa-kalmahin siguro siya. "Anong klaseng charity ba ang inaasahan niyo?" Mataray na tanong nya sa lalaki. Sa totoo lang nagtitimpi pa siya. Parang balewala naman sa lalaki ang pagtataray niya. Prenteng sumandal pa nga ito sa sofa. "Hindi ba ikaw ang humihingi ng favor, Miss? Bakit kailangan mo ko bigyan ng ganyang tono?" Umangat ang sulok ng labi nito na nauwi sa nang-uuyam na ngisi. Lalo siyang na highblood. Sasagot palang sana si Brielle nang itaas nito ang isang kamay. "Hep! I'm done with this." Tumayo ito sa pagkakaupo saka nagpatuloy. "Nasabi ko na ang mga gusto kong sabihin. I'm sorry, pero hindi mo nakuha ang pag sang-ayon ko sa sponsorship namin. So pa'no? Have a great day ladies," ngumiti pa ito bago sila iwanan. Naiwang nakakuyom ang mga kamao ni Brielle. Nagngingitngit siya sa galit. Nakalabas na sila sa fraternity house hindi pa rin siya mapatigil ni Abigail sa pag-ra-rant niya. "Kakaiba talaga ugali ng isang 'yun! Akala mo naman sa kaniya lang umiikot ang mundo! Antipatiko na ang sama pa ng ugali!" Galit na sigaw ni Brielle habang naglalakad sila papunta sa auditorium. Nagtext ang head na nag-oorganize ng event na dun sila magkita-kita. "Bakit mo kasi tinarayan? May humihingi ba ng pabor na nagtataray?" "Hindi ko siya tinarayan!" pagkakaila niya. "Hindi raw? Eh, yung mata mo ang sama makatingin," naiiling na sabi naman ni Abi. "Sinong hindi sasama ang tingin sa ugali niya? Sabihin ba namang walang kabuluhan ang kawang gawa namin! Lahat ng pagtulong may kabuluhan malaki man o maliit!" "Hindi pa end of the world, sis!" Tapik nito sa balikat niya habang tumatawang. Nagpupuyos pa rin sa galit ang dibdib niya. "Sabi ko na nga ba, hindi magandang Idea na lumapit sa lalaking 'yun! I hate him!" Patuloy sa pagtawa ang bruha. "But he so hot! As in! His messy hair! At nakita mo ba ang biceps niya, dayummm!" parang nag-da-day dreaming na humawak pa sa dibdib ang bruha. Inirapan niya ito. "Kahit nag-iisang lalaki na lang siya sa mundo! Hindi ko magugustuhan 'yun!" "Hay, naku! Baka kainin mo 'yang sinabi mo, huwag kang magsalita ng tapos. Oh, baka 'di lang salita mo ang kainin mo. Pati ang big daddy niya," humalakhak na ito. "Yuck! Kadiri ka, Abi! Nasusuka ako sa sinasabi mo! Mamamatay muna siguro ako! Bago ko gawin 'yun" kinikilabutan siya. Never niyang gagawin 'yon 'no! Bakit sa bibig pa kasi kung meron namang... merong ano, Brielle? Inis na bumuntong hininga siya. Kung anu-ano na pumapasok sa isip niya. "Oo, masusuka ka talaga 'pag sinubo mo siya ng buo!" dagdag pa ng lukaret na kaibigan. Nandidiring sinulyapan lang niya ito. Nasa tapat na sila ng gym nang may magsalita mula sa likuran nila. "Brielle, ikaw ba yan?" Naka-ready na sana ang b***h face niya sa kung sino man iyon. Kapag ganitong badtrip siya. Wala siyang gana makipag-usap. Nakataas ang isang kilay na pumihit siya paharap. "Oo, bakit!" Huli na para mabawi ang matalim na salita. Napakamot sa ulo ang lalaki at napangiwi. "Sorry, bad mood ka yata? Hindi ko alam na dito ka na din pala nag-aaral. Mangungumusta lang sana." Umawang ang bibig niya nang malamang si Jasper iyon. "O-oh.." speechless. Siniko siya ni Abi. "Ano nautal ka na?" Lihim niya lang itong sinamaan ng tingin. "Kumusta ka na, Brie?" tanong ulit ng lalaki na ngayon ay may ngiti na labi. "O-okay lang... pasensya ka na medyo hindi maganda ang araw ko, eh. Nadamay ka pa tuloy" nahihiyang hinging paumanhin niya. Wala talagang magandang naidudulot ang galit. Muntik pa niya mapagbuntutan si Jasper. Nakakahiya! Kasalanan kasi ng kumag na 'yon! Kaagad kinalma ni Brielle ang sarili sa umaahon na inis ng maalala si Sebastian. Kalma, Brielle. Kalma. "Anong course mo? Ngayon lang kita nakita dito. Freshmen ka di' ba?" sunod-sunod na tanong nito. Nabitin sa ere ang pagsagot ni Brielle nang higitin ni Abi ang braso niya. Nilingon niya ito. "Mauna na muna ako, Girl. mukhang 'di na ako kailangan dito!" Makahulugang sabi nito. "See you later!" Saka nagmamadaling umalis. Nagpatuloy si Brielle sa paglalakad ngunit mas mabagal na. Sumabay naman ang lalaki sa kaniya. "Oo. Freshmen student ako. I'm taking up occupational therapy." Nakangiting sagot niya. "Oh..." tatango-tangong usal nito. "Saan ba building mo? Hatid na kita." "Mamaya pa ang klase ko. Papunta akong auditorium. Nandoon kasi yung head organizer ng charity event namin," hindi napagilan ni Brielle ang mapabuntong hininga. Naalala niya ang sponsor na hindi na-grant. Next week na kasi ang charity event at ni wala pa sa kahalati ng kakailanganing pera ang nalilikom nila. "Is there something wrong?" nag-alalang tanong nito. Lumingon siya sa lalaki at pinigilan ang mangiti. Noon bihira niya itong makausap ng matagal. Dahil palaging busy ang binata o di kaya'y kasama ang selosang girlfriend. ka-eskwela. Sila pa kaya? Anong pakialam mo kung sila pa? "Kulang pa kasi yung pera na kailangan namin para sa charity event. Hindi pumayag mag-sponsor yung isang fraternity na kinausap namin" "Kaya ka ba badtrip?" Tumango-tango siyang parang bata. "Oo. Antipatiko kasi ng leader ng fraternity na yun!" Natawa si Jasper. "May naisip ako na mas madaling makalikom ng funds." Huminto siya sa paglalakad at pumihit paharap sa lalaki. "Mas madaling paraan... ano?" "Mag-organize ka ng event na bibili ng ticket ang mga istudyante. For example concert for a caused. Something like that," sushestiyon nito. Nagliwanag ang mukha ni Brielle. Oo nga 'no! Bakit ba hindi niya iyon agad naisip! Pero... teka, sino naman ang mag-pe-perform? Mayamaya makahulugan siyang tumingin kay Jasper. Tama! "What?" Nagtatakang tanong nito nang mapansin ang pagngiti niya. "Hindi ba may banda ka noon? pwedeng kayo na lang ang mag-perform?" Napakamot sa ulo ang lalaki at alanganing ngumiti. "Ano kasi... Brie. Wala na 'yung dati kong mga ka banda, high school pa 'yun." Ang cute pala ni Jasper kapag ngumingiti! "Sayang naman...Wala kasi akong maisip na pwedeng mag-perform. Wala naman akong kilala dito sa university." Laglag ang balikat na sabi niya saka nagyuko. Nawawalan na talaga siya ng pag-asa. Narinig ni Brielle pagbuntong hininga ni Jasper. "Sige, subukan ko kumbinsihin yung mga kasama ko tumugtog sa gig minsan. Kung libre sila." "Talaga?! Maliwanag ang mukha na nag-angat siya ng tingin. Nakangiting tumango-tango ang lalaki. "Thank you sobra! Thank you, thank you talagaaa!" "Wala pa, Brie. Hindi pa sure yun. Nag-thank you ka na agad. Ano ba number mo? Para ma-i-text kita kung payag sila," nakangiti pa din sabi nito. "Ay, oo! Sige!" Dali-dali niyang dinikta ang number sa lalaki at kinuha din ang numero nito "Thank you in advance talaga, Jasper!" "Wala yun, Ikaw pa." Hindi malaman ni Brielle kung anong mararamdaman paano naman kasi noon. Minsanan lang niya makausap ito. Kung magkasalubong sila eh tipid na ngiti lang lagi sa isat isa. Tapos ngayon heto siya tutulungan pa ng lalaki. Kikiligin yata siya! Naputol ang pag-uusap nila ng biglang tumunog ang bell. "Paano mauna na ako." Paalam niya. "Saan ka ba? Ihatid na kita. Mamaya pa naman klase ko eh. May time pa ako." "Hindi na. d'yan lang ako sa auditorium. Hahanapin ko yung nag oorganize ng charity namin." "Are you sure?" "Oo naman. Hindi ako maliligaw dito." Nakangiting wika niya. Buti nalang kahit paano ay pinaganda ni Jasper ang araw niya. Tumango lang ito at ngumiti rin bago sila tuluyang maghiwalay ng landas. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD