Chapter 3

2251 Words
Things get better sa mga sumunod na araw ni Brielle sa university. Nakabisado na rin niya ang lugar, nadagdagan ang mga bagong kakilala at higit sa lahat hindi na muli nakasalubong pa ang mayabang na lalaking na-encounter niya, first day of school. Ang nakakainis lang paulit-ulit pa ring bukam-bibig ni Abigail ang lalaking 'yon. Nakakarindi. Iniisip nga niya ano kayang pinakain ng mayabang na 'yon sa mga babae? Nang umagang iyon kakatapos lang ng ikalawang subject ni Brielle nang magsalubong niya sa hallway si Ivan. Katulong niya ito sa pag-so-solicit para sa charity event na gagawin ng department nila. Yearly ay mayroong ginaganap na charity event sa university. At sa taong ito ang psychology department ang napili upang mag-orgnize. Napagdesisyunang mamamahagi sila ng mga school supplies at educational toys para sa mga batang may special needs. Isa siya sa mga natuwa sa napiling kawang-gawa. Special kids has always a big part in her heart dahil sa kapatid niyang si Gail. "Magkano na solicit mo?" Kaagad niyang tanong kay Ivan. As usual Pormadong-pormado na naman ang kaibigan. Sa suot nitong longsleeves na puti slacks at black shoes. Hindi matinag ang buhok dahil sa gel. Walang panama ang lolo ng kahit na sino. "Ang hirap naman kasi mag-solicit, naturingang mga mayayaman ang kukuripot!" Reklamo nito saka iniabot sa kaniya ang puting sobre na kinuha sa loob ng bagpack nito. Binuklat iyon ni Brielle at dismayadong isinara ulit. Kakaunti nga lang ang na-solicit ni Ivan wala pang five hundred pesos. Mga kuripot nga. Si Abigail naman ang nakasalubong nila habang papalabas ng Occupational Therapist Building. Ang lagalag talaga ng babaeng 'to. Kahit saan ka mapalingon nandun siya. Kaya gabi-gabi hindi ito nauubusan ng tsismis sa kaniya kahit hindi naman siya interesado. "Ayan na naman yung kaibigan mong lukaret. Maglalayo ka nga dyan, Brie. Baka mahawa ka pa," iritadong komento ni Ivan. Hindi lingid sa kaalaman nito ang pagiging open-minded/liberated ni Abigail. Kung minsan kasi kahit magkasama sila at sumabay ang babae. 'Di ito nangingiming ipakita ang tunay na ugali. "Gurl! May idea na ako para d'yan sa charity niyo," masayang bungad nito. Binulungan siya ni Ivan. "Mag-iingat ka sa Ideya ng babaeng 'yan. Baka kung ano pa 'yon at mapahamak ka." Palihim nitong sulyap sa babaeng abot tainga ang ngiti. Saka bumalik agad sa nagpaalam. "O' siya mauna na ako. May klase pa ako, eh. I-me-message kita mamaya kapag naka-solicit ako ulit," Tinanguhan lang ni Brielle ang kaibigan bilang sagot. Saka niya hinarap si Abigail na nanunulis pala ang ngusong nakasunod ang tingin sa papalayong si Ivan. "Ano na namang problema sa'kin nung nerd mong kaibigan?" Nakataas ang isang kilay na bumalik ang tingin sa kaniya. Natawa siya. The feeling is mutual pala. Parehong inis sa isa't isa ang dalawa. "Wala. Alam mo naman 'yun. OA sa mga bagay bagay. Pero mabait naman yan si, Ivan. Lalo kapag nakasundo mo na." Nakangit ng sabi ni Brielle. "Hay, naku! Sa'yo lang yata mabait 'yan! Akala mo kina-gwapo niya yung braces niya! Tse!" Inis na umirap pa ito saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Anyway, about nga pala sa idea ko." Pinigilan ni Brielle ang matawa saka pinapormal ang anyo. "Oo nga, ano pala yun?" Niyaya siya nito sa canteen para daw mas mapag-usapan nila. Sakto naman dahil wala na siyang klase sa susunod na tatlong oras. Nagugutom na rin siya. Huling laman ng sikmura niya ay isang pirasong spanish bread. Naupo sila sa pandalawang mesa pagkatapos um-order sa cashier at sinimulang lantakan ang mga pagkain. Eggpie at coke kay Abi. Blueberry cheesecake at milktea naman ang sa kanya. "About dun sa idea mo. Ano nga pala ulit yun," pagbubukas ni Brielle sa topic. "Kasi naisip ko talagang maliit lang ang makukuha niyo sa pag-so-solicit kahit pa sabihing marami kayong nag iikot ikot. So..." inabot nito ang bote ng coke sumipsip sa straw. "I've come up to this brilliant idea, sis!" Kumunot ang noo niya. At nagpatuloy naman sa pagsasalita si Abigail. "All you is a need sponsor. Naalala ko kasi last year, department namin ang napili para sa charity. So, ang ginawa namin ay naghanap ng sponsor." Nilaro-laro ni Brielle ang natirang cheesecake sa plato niya. "Sino naman mag-s-sponsor samin? Solicit nga hirap na hirap kami. Sponsorship pa kaya? ang labo niyan, Abi." helpless na buntong hininga siya. "Ano ka ba! Hindi, ah... Lalapit tayo sa kilalang fraternity!" Nagniningning sa excitement ang mga matang sabi nito. "What!!" Napatayo sa upuang bulaslas niya. "Ayoko baka ma-hazing pa tayo d'yan!" mariing tutol pa ni Brielle. "Duh? Alam mo kung minsan gusto kong matawa sa pagka-naive mo, sis!" Tumawa nga ang bruha. "Hindi porque fraternity hazing agad or whatever. Brotherhood lang 'yan sila. Kaya nga in-allowed dito sa university ang mga ganyan, eh. Our dean is a member of one of the prestigious fraternity here in campus," paliwanag nito. Napaisip si Brielle. Sabagay sa ibang bansa nga lalo sa states ang mga fraternity houses nasa loob din ng mga campuses. Dito lang sa pinas panget ang tingin kapag sinabing fraternity. Dahil na din sa mga umaabuso sa kapangyarihan. "Sinong fraternity naman ang lalapitan natin?" Kumislap ang mga mata nito. "Of course! Yung pinaka-kilala sa lahat!" "Sino nga-" "'Yung fraternity nila, Sebastian!" Muntik mabilaukan si Brielle sa narinig. What! Lalapit sila sa lalaking, akala mo no'ng magsabog ang diyos kagwapuhan eh, sinalo nitong lahat! Nanlalaki ang mga mata umiling-iling siya. "What?! Noooo way!" Umikot ang mga eyeballs nito. "Duh... Sila kaya yung nag-sponsor sa'min last year! Wala namang masama kung susubukan mo 'no?" "Hindi ko alam. Itatanong ko muna sa Head na nag-oorganize ng event." Pagdadahilan niya. Pero ang totoo. Wala siyang balak lumapit sa lalaki 'yon. "Ano ka ba! Siguradong matutuwa ang mga kasama 'pag nakakuha ka ng sponsor maniwala ka sa'kin." Pangungumbinsi nito. "Tsaka akala ko ba importante para sa'yo ang event na iyon?" Sulsol nito na may kasama nang pangongonsensya. Nagpakawala ng mahabang buntong hininga si Brielle. Sumagi sa isip ang paniguradong ngiti ng mga batang mabibigyan nila ng laruan at school supplies. "Oo, pero... Hindi ko naman kilala yung lalaking yun "no!" "Exactly" pumitik ito sa ere. "'Di mo nga siya kilala. So, bakit ayaw mong subukan?" Hindi rin maintindihan ni Brielle ang sarili kung bakit inis siya sa lalaking 'yon. Dahil siguro ngayon lang siya naka-encounter ng ganoong uri ng lalaki? 'Yung tipong wala kang maipintas at ang taas ng tingin sa sarili. Malayo sa mga kakilala at kaklase niya sa probinsya. Isa pa unang pagkikita pa lang nila, nagkaroon na agad siya ng hindi magandang impression sa lalaki. "Uy, ano na?! Tutulala ka nalang ba d'yan? Itatry lang naman natin! Sasamahan kita if you want!" Ngiting ngiti ito sa huling sinabi. Akala mo lihim na agenda. Napabuga si Brielle ng hangin. Bago sumagot sa babae. "Bahala na nga. Kailan ba natin pwedeng makausap 'yun?" Tumili si Abigail saka mabilis na tumayo. "Gosh! Ngayon na! Nandun 'yun sa fraternity house nila!!!" sabay hila sa braso niya. "Ano!" Gulat na humarap siya kay Abigail "Ngayon na?! As in! Ngayon?" Hindi nito pinansin ang pag-po-protesta niya. Instead pilit siyang hinatak papunta sa hilera ng mga fraternity houses sa campus. Ayaw siya bitiwan! "Abi! Wait... wait lang!" Huminto sila sa tapat dalawang palapag na modern western house. Gawa sa bricks ang bubong. Wooden concrete naman ang mga dingding. Mayroong front porch at garden sa front yard. White fences naman ang nagsisilbing gate. "S-Sandali... sandali lang, Abi!" Hinihingal na pigil ni Brielle sa braso nito sa akmang paghatak sa kaniya paakyat sa porch. Pumihit ito paharap. "Bakit? Dont tell me ngayon ka pa aatras nandito na tayo." Frustrated na humilot sa sintido niya si Brielle. Diyos ko po! Malalagas yata lahat ng buhok niya sa katawan. "Hindi! Ano ka ba! Pag- usapan muna natin anong sasabihin ko dyan?" "Sabihin mo lang yung tungkol sa event." Anito at muli pinigilan niya sa akmang pagtapak akyat sa porch. "Teka, Yun lang? Tapos tingin mo papayag na sila?" "Oo, ganun lang ginawa namin last year," ngiting-ngiting na namang sabi nito. Nagdududang tinitigan niya ito. "Bakit parang may kakaiba akong nararamdaman? Parang may hidden agenda ka yata..." "Uy, grabe ka naman sa'kin! Tinutulungan ka na nga, eh... isang nagmamalasakit na kaibigan lang ako, Brie." Lumungkot ang masigla nitong mukha. Nakonsensya naman si Brielle at wala sa loob na napabuga siya ng hangin. "Sige na nga. Tara, na sa loob." She didn't saw the victorious grinned on Abigail's face when she walked towards the door. *** Sa ikatlong beses na pagpindot ni Abigail sa doorbell, bumukas ang pintuan. Humarap sa kanila ang isang lalaki walang pang-itaas. Tumutulo ang pawis sa katawan nito. Halatang kagagaling lang sa work out. "Yes?" Inayos nito ang reading glasses sa mga mata. Di niya alam kung may grado ba 'yon o, props lang para pa-cute sa mga girls. "May gusto sana kaming makausap." Maangas sagot ni Brielle. Tinignan siya ng lalaki mula ulo hanggang paa. At gusto magtikwasan ng mga kilay niya. Aba! Totoo nga kasabihan. Birds with the same feathers flocks together! Magkakatulad ang kumag kung makatingin. Kainis! "Uhm, excuse me. Sinong gusto n'yong makausap?" "Abigail, sabihin mo nga dito sa lalaking 'to kung sino ang pakay natin!" Patlang. Nilingon ni Brielle ang kaibigan ng hindi ito umimik. At gusto niyang batukan ang bruha! Kulang nalang maglaway ang gaga, habang nakatingin sa lalaking nagpupunas na ng towel sa katawan nito. "Abi!" Bulong niya saka siniko ang tulalang babae. "A-Ah, Oo... oo nga pala!" Biglang bulaslas nito. Natauhan. "By the way. I'm Abigail. You're Joseph right?" Inilahad nito ang kamay. Saka ngumiti ng sagad hanggang bone marrow. Tumango ang lalaki. Nagtatakang tinanggap ang kamay ni Abigail. "Yes. I'm Joseph. Do I know you two?" Umiling-iling ang babae. "No. You don't... But I know you..." naniningngkit ang mga matang sabi ni Abigail at nang-aakit na inipit ang buhok sa likod ng tainga. Ngumisi ang lalaking nagpakilalang Joseph. "Oh, really?" Isinabit ang hawak na tuwalya sa balikat nito saka pinatigas ang mga muscles at abs na bahagyang dumukwang kay Abigail. "So, ako ba ang kailangan mo? I'm free tonight. Your place or mine?" Napatingala si Brielle at malakas na bumuntong hininga. Nagawa pa talagang magflirt ng dalawang ito sa harapan niya! Ang laswa! Muli siniko at binulungan si Abigail na todo bigay sa pagkagat-kagat ng labi nito. "Charity now. Flirt later!" Nakuha namang kumalma ng bruha. "Uhm... sorry babe..." pinadaan nito ang daliri sa dibdib ng lalaki. "But we're looking for Sebastian. And by the way this is my friend, Brielle." Sumulyap lang sa kaniya ang lalaki. Hindi man lang nakipag-kamay. Isa ring antipatiko "What do you want from him?" Bumalik ang tingin nito kay Abigail. "Mag-o-organize kami ng event at kailangan namin ng sponsor." Mataray sagot naman ni Brielle. Naramdaman niyang mahina siyang siniko sa braso ni Abigail. Sinulyapan niya ito. Pasimple siyang pinandidilatan ng mga mata. Parang sinasabing. Huwag niya tarayan. "Oh, charity..." tatango-tangong niluwangan nito ang pintuan. "Come inside. Nasa loob siya." Sumunod sila kay Joseph papunta sa living area. At panay ang bulungan at sikuhan nila ni Abigail. "Ano ka ba! huwag mong tarayan! Hindi ka makakakuha ng sponsor niyan!" "Ang antipatiko kasi! Katulad nung Sebastian, na yun!" asik niya. "Sshhhh!" Tinakpan nito ang bibig niya. "Ang ingay mo baka marinig tayo!" Sasagot palang sana si Brielle, nang pumihit paharap sa kanila si Joseph. "Girls, para kayong mga bubuyog d'yan, kakabulong ninyo." Napatda at napangiwi sina Abigail at Brielle. Parehong namumula ang pisngi sa pagkapahiya. "Wait here tawagin ko, Seb. " Pagkuwan paalam ni Joseph bago lumabas ng living room "s**t! Nakakahiya nahuli pa tayong nagtitsismisan!" Pabagsak na naupo ito sa sofa. Umupo si Brielle sa tabi ng kaibigan at ipinalibot ang paningin sa paligid. Malawak ang living room na kinaroroonan nila. Centralized ang aircon. Nakakalula ang laki ng flat screen tv na nakakabit sa sentro dingding. Sa ibaba niyon nakapwesto ang malalaking speakers. May bookshelf sa isang sulok. Mga pictures na nakasabit sa itaas ng tv na hula niya ay mga dating miyembro ng fraternity. Napansin din niya ang nakasabit na kulay pulang banner sa gitna ng silid na may logo at pangalang US Alpha Omega Xi, may Greek letters sign na di niya maintindihan kung ano. Ganoon rin ang flag na nasa isang sulok. Nasa ganoong pagmamasid siya ng biglang mapatayo si Abigail at hatakin din siya patayo. Nandoon na pala si Sebastian kasama si Joseph na nakasuot na ng pang-itaas at isa pang lalaking kalbo na may hawig sa bokalista ng linkin park. Except sa mas malaki ang katawan nito. Umupo sa tapat nilang single sofa si Sebastian. White plain shirt at shorts ang suot nito pero ang lakas pa rin ng dating. Magulo ang buhok at mukhang kakagising lang. He looks messy hot! Tama ba ang ginamit niyang term?! Hindi ba, inis siya sa lalaking 'to? "Good morning, Ladies! So, what can I do for you?" Bati nito pagkatapos ay ngumiti. Muntik yata masilaw si Brielle nang lumabas ang pantay-pantay at mapuputing ngipin nito sabayan pa ng sexy bedroom voice nito. Nilingon niya si Abigail. Wala na. Naghugis puso na ang mga mata ng kaibigan. Hindi na niya maasahang magsasalita pa ito. Napunta na yata sa ibang kalawakan ang utak nito. She looked at him and took a deep long breath.. Kaya ko 'to! To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD