Chapter 2

1974 Words
SINUSUKLAY ni Brielle ang basang buhok gamit ang mga daliri. Yakap ang dalawang pirasong libro sa isang bisig at sukbit naman ang backpack sa kabilang balikat. Tinanghali siya ng gising dahil hindi niya narinig ang pagtunog ng alarm sa cellphone. Ang usapan nila ni Ivan ay alas-syete impunto. Mag-aalas otso na! Paano ba naman... Anong oras na siya pinatulog kagabi ng room mate na si Abigail. Ang daming kwento ng babaeng 'yon. Mostly about her flings! Dahil nais magkaroon ng iba pang kaibigan bukod kay Ivan, kahit pikit na ang mga mata ni Brielle pinilit niya na makinig sa mga kwento ni Abigail. Mukha namang hindi mahirap pakisamahan ang babae. Sa kadaldalan nga nito halos ilahad na ang talambuhay sa kaniya. Kabaligtaran niya na pili lamang ang mga taong nakakaalam ng buhay niya. Dumagdag pa sa kamalasan niya ang mahabang sa pila sa restroom! Tatlo ang bathroom sa bawat palapag ng dorm na mayroong halos sampung silid. Ang payo ni Abigail agahan niya ang gising. She has to wake up two hours prior to her first class. Kung ayaw niyang everyday na mahuli sa klase. Lumiko si Brielle pakaliwa sa dulo ng pasilyo. Ikatlong pintuan ang registrar. Pero wala na doon si Ivan. Alam niyang halos pang-umaga lahat ang klase ng kaibigan. And knowing Ivan kahit bumagyo sa desyerto hindi maaring ma-late iyon. "Lagot ako nito..," iling-iling na bulong niya sa sarili. Naiimagined na ni Brielle ang itsura ng kaibigan. Salubong ang kilay habang nanunulis ang nguso. Siguradong sermon siya mamaya. Kinuha ni Brielle sa registrar ang listahan ng mga subjects niya pati room number saka lumabas ulit ng gusali para hanapin ang classroom sa ikalawang subject. Hindi na kasi siya aabot sa una. Itinuro siya ng napagtanungang janitor sa direksyon patungo sa gymnasium. Katapat raw niyon ang psychology building. Pero kanina pa siya palinga-linga at palakad-lakad sa malawak na quadrangle na katapat ng gym— hindi pa rin niya makita ang konkretong gusali na hinahanap niya. Malas! Malas talaga! Pati ata sa second subject late ako! Great, Brielle! Just great! First day of class pa naman! "Saan ba kasi ito?! Ano ba naman, oh!" Frustrated na kinamot ni Brielle ang batok habang pinipigilan ang inis na tinitigan ang kapirasong papel na hawak. Hindi namamalayang isang grupo na pala ng kalalakihang nakukwentuhan sa gilid ng gym ang direksyong tinatahak ng mga paa. Natigilan siya nang bumangga sa isang malaking bulto. Tumama ang mukha niya sa matigas at mabangong... Hmmm? Kinapa-kapa niya iyon at hinimas-himas pa. Firm ang mga muscle. Halatang alaga sa gym. Teka, sino ba 'tong— "Yes?" Nagsasalubong ang kilay na pumihit paharap kay Brielle ang lalaking nabunggo. Tumingala si Brielle sa lalaki. Gusto niya manliit sa katangahan! Likuran pala nito ang matigas na bagay na kinapa-kapa na nga niya. Hinamas-himas pa! Nauwi ang ngiwi niya sa isang pilit na ngiti. "I-I'm sorry... hindi kasi kita napansin.." Curious pinasadahan nito ng tingin mula ulo hanggang paa saka humalukipkip. Kamuntik mag-arkuhan ang mga kilay ni Brielle. Sa uri ng panunuri nito sa kanya— para bang dismayado ito sa nakikita. Well... aminado siyang hindi pang-model ang beauty niya at height pero malayo rin namang panget siya, 'no! Hindi na rin niya napigilang suriin ng nanunuring tingin ang kabuuan ng lalaki sa harapan. He's quite tall... lampas anim na talampakan. Hindi man lang umabot si Brielle sa balikat. Well tone ang body. Para bang 'yung mga nakikita niya sa mga fitness magazine. Hindi bulky, 'di rin slim. She must say, nasa right proportion ang mga muscles nito. Mestiso rin. Matangos ang ilong at makipot ang mga labi. Ang buhok na shoulder length ay nakatali sa likod. And he has a tattoo on his left arm, na nakikita lang ang kaunti sa manggas ng suot na short sleeves polo kaya niya napansin. Hindi typical na pinoy ang mga features nito. Maybe he has a foreign blood. Malaki nga ang pagkakahawig ng lalaki sa pinaghalong Jared Padaleki and Jacob Elordi. Naagaw ang atensyon ni Brielle sa pagtikhim ng lalaki. "So.. you find anything that you didn't like?" Amused na tumaas ang sulok ng labi nito. Nanunudyo naman ang tingin ng mga kaibigan nitong nasa likuran ng lalaki. "Sus! Ang hangin! Hindi ko type ang may mga tattoo 'no!" Gusto sana niyang sabihin. But instead, Brielle just rolled her eyes at nilayasan ang lalaki. Hindi siya magsasayang ng oras sa mga lalaking tulad nito. Feeling gwapo! Kahit gwapo naman talaga? Hindi pa man nakakalayo si Brielle. Natanawan niya si Abigail na naglalakad papalapit sa kaniya. Kuntodo pustura ang babae. Checkerd na pulang dress ang suot at mukhang professional MUA ang nag-make up dito, pulido ang contour. "Brielle, Girl!" Kumapit ito sa braso niya. Ipinakita ni Brielle ang hawak na papel sa babae. "Saan ba 'tong building na to'? I've been looking at it for ages. But I couldn't find it," pilit na itinago ang frustration na sabi niya. "Ay, sa likod ng gym 'yan." "The janitor told me— " she sighed. "nevermind. Can you show me the way? Kung hindi ako makakadistorbo sa'yo?" "Sure, Tara! Sasamahan kita. On the way rin naman ang next subject ko sa building na 'yan," mabilis na sagot nito saka siya hinila sa kamay. "Thanks, late kasi ako nagising. Naiwanan tuloy ako ng bestfriend kong si Ivan," aniya habang ginagalugad ang cellphone sa loob ng bag. Itetext niya si Ivan baka nag-aalala 'yon sa kaniya. Knowing him, daig pa nun ang nanay niya kung mag-alala. "Anyway... nakita kita kanina." May nahimigan siyang kung ano sa tinig ni Abigail. Parang nang-iintriga na ewan. Sumulyap siya saglit rito at muli pinagpatuloy ang paghahalungkat ng cellphone sa loob ng bag. "Nakita... saan?" "Kanina kausap mo ang pinaka-gwapong papable dito sa campus!" Nang makita ang cellphone mabilis na tumipa si Brielle. Tinext niya si Ivan na magkita na lang sila after class. saka siya bumaling uli kay Abi na walang preno ang mga sinasabing di niya maintindihan. "Ano nga ulit iyon?" Aniya. Abigail rolled her eyes. "Kausap mo kanina si Sebastian!" Halos patiling sabi nito. Napasulyap pa ang ibang nasasalubong nila sa lakas ng boses nito. "Sino 'yun?" May pagtatakang tanong niya habang isinusuksok ang cellphone sa pinakamaliit na pocket ng bag. "Yung kaninang gwapo na may tatts na matangkad na yummy! Anong sinabi sa'yo?" "Hindi sinasadyang nabangga ko lang siya kanina. Nothing else," pabalewalang sagot niya. Sebastian pala ang pangalan ng mayabang na 'yun. "Anong sinabi niya sa 'yo? Mabango ba? Matigas 'yung muscles! Mas gwapo sa malapitan 'no! Gosh, Ano, Brielle! Sumagot ka! Anooo!?" Gusto niyang simangutan si Abigail. Obvious na sobrang interesado ito sa lalaking nabunggo niya kanina. Halos yugyugin nito ang nakakapit na braso sa kaniya sa bawat tanong. She pouted. "Ewan ko dun. Did I find something that I dont like daw. Siguro sa itsura niya feeling kasi niya sinisipat ko siya." Labas na ilong na sagot niya. "Talaga sinabi niya yun!!! Gosh! Ang swerte mo! Kinausap ka niya. Alam mo ba? campus crush yun gurl, As in! Usap-usapan ng mga babae 'yan! Kung gaano siya kagaling sa—" Ibinitin nito ang sinasabi na parang naiihing ewan. "Magaling saan?" Binasa nito ibabang labi saka ngumisi "Sa s*x! Ano ka ba naman you're so naive!" Pailing-iling na umismid siya. "Bakit batayan ba 'yon para magustuhan ang isang lalaki?" Kahit kailan hindi niya gagawing batayan ang s*x para lang magkagusto sa isang lalaki 'no! Masyadong mababaw. "Don't tell me? Wala ka pang experiemce girl?" "Well.. hindi ko masasabi—" nalunok ni Brielle ang sinasabi. Nang sa di kalayuan ay matanawan ang isang pamilyar na mukha. Sinundan ni Abigail ang tinititigan niya. "Do you know him?" Tumango si Brielle. "Dito din siya nag aaral?" Wala sa sariling sambit niya. Si Jasper school mate niya noon. Nauna lamang ito grumaduate sa kanya dalawang taon na ang nakalipas. He was her ultimate crush. Vocalist ito at lead guitarist ng banda sa skwelahan nila kaya kilala ang lalaki sa buong high school department. "I think that's Jasper? Am I right?" Singit ni Abigail sa pag-iisip niya. Ganito ba talaga ka chismosa ang babaeng ito at pati si Jasper kilala? "Bakit mo siya kilala?" nagdududang tanong niya. "Siya ba yung kinukwento mong fling?" Dagdag pa ni Brielle. Humagalpak ng tawa ang babae. "Of course not!" Saka tumirik ang mga mata. "Hindi ko type ang mga ganyang lalaki 'no. Nakilala ko lang siya sa common friend at magkaklase kami sa isang subject." Tumaas ang kilay ni Brielle. "Bakit naman? School mate ko 'yan nung high school, may banda kaya siya at magaling mag gitara pati kumanta! Kumpara naman dun sa lalaking sinasabi mo kanina," nanunulis ang ngusong pagbibida niya sa lalaki. Abigail roll her eyes. "Duh? Seryoso, Brielle? Ikumpara daw ba 'yan kay Sebastian? Well sabihin na nating may looks din naman 'yang si—" umirap ito sa ere saka nagpatuloy. "—Jasper at talent na din, sige. But compared to Seb? Jusko naman david at goliath girl! Ito ang agwat nila, oh!" Itinaas pa nito ang isang kamay ang isa naman ay sa ibaba. Sa paraang sinusukat ang langit at lupa. Hindi papatalo si Brielle! Ultimate crush niya kaya si Jasper! Ilalaban niya ito ng debate. "Bakit mo naman 'yan nasabi, aber? Ano bang pinagmamalaki niyang Sebatian na yan? bukod sa s*x na sinasabi mo!" she said with sarcasm. Parang kiniliti na naman ang gaga ng sabihin niya ang s*x. Hindi kaya naging fling nito ang lalaking 'yun? "Well.. bukod sa may ipagmamalaki naman talaga siya sa ehem!" She clears her throat. "You know what I mean, gurl dahil s*x god siya.." Gustong umikot ng eyeballs ni Brielle sa word na "s*x god" "Member siya ng kilalang fraternity dito sa university. Hindi biro ang mga kasali doon, Sis! Mga kilalang tao. At.. halos lahat ng professor dito university na naging prof ni Sebastian ay sinasabing, he will become the most promising Engr. In his generation. Ngayon pa lang daw ay pinag- aagawan na ito ng mga kumpanya. Take note hindi pa graduating si Seb niyan ah!" May pagmamalaking ngumiti ito sa kaniya. "See, how could you not like him? Huh?" Daig pa nito ang binayaran para ipangampanya ang lalaki 'yon. "Pero hindi 'yun dahilan para magustuhan ko siya. Come on... Alam ko galing siya sa kilalang pamilya kaya madali na para sa kanya ang lahat. Unlike sa mga katulad natin na nasa middle class. We needed strive harder than those rich kids. Kaya hindi pa rin ako bilib dyan sa lalaking 'yun. I will still choose for Jasper over him!" "Uy! Never judge the book by its cover sabi nga nila!" "Hindi ko siya hinuhusgahan 'no. I'm just stating the fact here." "Oh, well... 'yang Jasper, mo marami raw failing grades! Magkaklase kami sa isang subject," bwelta nito. Natigilan si Brielle at bigla ang pag-ahon ng pag-aalala sa dibdib niya. Bagaman hindi sila sobrang malapit ng lalaki noon. Naririnig naman niyang maayos ang grado nito. Teachers pet pa nga ng iba dahil charming at masipag. Nagdiwang si Abigail sa pananahimik niya. "See! I told you—" "Opps!" Awat ni Brielle sa babae bago pa ito makapagyabang. "Nandito na ako sa building ko! Bye see you later!" nagmamadaling paalam niya sabay tumalikod. May hula siya hindi talaga ito magpapatalo sa kaniya. "Panalo ako sa debate natin!" Narinig pa niyang sigaw ni Abigail at sinundan ng halakhak. Naiiling naaupo si Brielle sa kaniyang silya. Hindi siya nahuli sa klase. Ganoon pa man pumasok sa isipan niya si Jasper. Ano kayang nangyari? Naka-moved on naman na siya sa pagkakaroon ng crush sa lalaki. Pero napapaisip pa din siya. Okay lang kaya siya? Mayamaya sumingit naman sa isipan niya ang mayabang na lalaking nabangga kanina. Inis na sumalong-baba si Brielle. Promising Engr. His face! Hmp!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD