Chapter 1

2271 Words

"MOM! I'm going! Ivan is waiting outside!" sigaw ni Brielle sa ibaba ng hagdanan. Nasa tabi niya ang isang maletang itim at sukbit sa balikat ang malaking back pack.

Ngayong araw magbubukas ang panibagong chapter sa buhay ni Brielle. She's going to college! She'll be living on her own. Independently. Magkasamang lungkot at excitement ang nararamdaman niya. Ito kasi ang unang beses na malalayo siya sa pamilya niya.

Lumaki si Brielle sa maliit na bayan ng Sta. Monica sa lalawigan ng Tejeros. Sanay sa simpleng pamumuhay sa probinsya at kabilang sa isang middle class family. Separated na ang kaniyang mga magulang. Although, her father left them for another women when she was in grade school, nagbibigay pa rin naman ito ng financial assitance pero madalang na dumalaw at magpakita sa kanila ng kapatid niyang si Gail. Kapag kasi dumadalaw ang daddy niya nauuwi lang iyon sa walang katapusang pagtatalo ng mga magulang niya.

  Sa totoo lang wala nang sama ng loob si Brielle sa ama. She had to moved on. Ayaw niyang may hinanakit sa puso niya. Ang tagal na rin kasi nun and maybe sa lumipas na panahon naghilom na ang sugat.

But there are times na nakakaramdam siya ng lungkot lalo kapag nakikita niya ang ina na may hinanakit sa mga matang tinitingnan ang old pictures nila.

Nagkaroon tuloy siya ng panata sa sarili na kung siya ay magkakaroon na ng sariling pamilya gagawin niya ang lahat para hindi ‘yon masira.

"Uy, bakit ba ang tagal mo? Kanina pa kita hinihintay sa labas."

Napalingon si Brielle na bumukas na pintuan at sumungaw mula roon ang BFF niyang si Ivan.

"Wait ang tagal ni Mommy, eh.." sagot niya na hindi kumukunot ang noo habang pinagmamasdan ang ayos ng kaibigan.

Suot nito ang paboritong puting long sleeves  na pinamana pa ata ng lolo nito. Nakabutones iyon hanggang leeg habang naka-tuck in sa itim na slacks. Banat na banat rin ang buhok na nilagyan ng gel. But Ivan’s trademark was his braces.  Middle school pa lang suot na ‘yon ng kaibigan. Madalas tuloy maging tampulan ng tukso ng mga kaklase nila si Ivan dati dahil doon.

But he is the bestfriend that anyone could ever asked for. Kapag bigla siyang nagka-mens ito ang taga-bili ng napkin. 'pag sumama ang pakiramdam niya. To the rescue ito at palaging may dalang gamot. Katulong sa paggawa ng mga projects at alam niyang ano man ang mangyari Ivan always got her back.

They've met when they were in middle school. Nakita niya noong ang isang batang patpatin na may salamin ang binubully ng mga kaklase nilang lalaki. At dahil likas na matulungin at palagi na ay gusto ng fair treatment—pinagtanggol ni Brielle ang bata. And that day, they became friends for life! Hindi na sila mapaghiwalay.

At ngayong nasa kolehiyo na sila, iisang unibersidad pa rin ang papasukan nila. Magkaiba lang ng kurso. Ivan will take up business administration dahil sa family business ng parents nito. Mayroong silang branches ng convenience store nina sa lugar nila na balang araw ay pamamahalaanan ng kaibigan. Habang si Brielle naman ay kukuha ng kursong BS Psychology. Para naman matulungan ang mga batang katulad ng kapatid niyang si Gail na isang autistic.

"What?" Tinaasan siya nito ng kilay.

"What?" Pagmaangan-maangang ulit ni Brielle. "Pormadong-pormado ka kasi..  tingnan mo naman ako.” bumaba ang tingin niya sa suot na faded skinny jeans, fitted plain white shirt, rubber shoes and to complete her  boring look she tied her long black hair in a high ponytail.

Sumimangot si Ivan pagkatapos siyang pasadahan ng tingin. "Brielle, sa campus na ang diretso natin. Remember? Sa loob ng university ang dorm! Atleast, wear something appropriate!

Oo nga pala, OA rin si Ivan. Bukod sa pagiging nerd. Laging gustong formal outfit kahit 'di naman kailangan.

Brielle rolled her eyes. "Wala namang dress code 'dun ah? So, I could wear whatever I want."

"But you should have atleast wear a simple dress para naman hindi ka magmumukhang pupunta lang sa mall!"

"Alam mong hindi ako sanay magsuot ng mga dress naalibadbaran ako." giit niya.

Bumaba ang Mommy ni Brielle galing sa itaas bago pa siya masermonan ni Ivan.

"Guys, ready na kayo?" Pinagsalitan nito ang tingin sa kanila saka siya inakbayan.

Her mom Grace looks young for her age even at her 50’s. Walang wrinkles. Wala rin grey hair. Maraming nagsasabi nakuha niya ang ilang facial features nito. Hindi lang naniniwala si Brielle. Hello? Her mom has a timeless beauty. Mala-tipong Dawn Zulueta at pang bea-con ang height.

Malayo sa height niyang hindi pa yata umabot sa standard height ng isang normal na pilipina. She only stands five feet and one inch. Na-stuck na raw siya sa height ng middle schooler, tukso sa kaniya ni Ivan. Maputi ang kutis na tanging namana yata niya ea kanyang ina. Her nose was pointed. Her lips is naturally pink kahit walang lip tint. And her eyes... everyone have said that her eyes is her best asset. Foxy sexy brown eyes.

"Yup! Ang tagal mo lang, My. Nagrereklamo na ‘tong si Ivan." Kumapit si Brielle sa braso ng Mommy niya.

“Hindi ako nagrereklamo, Tita Grace.” Napapakamot na sa batok na depensa ni Ivan at bahagya pa siyang simaan ng tingin. “OA lang ‘yan si Brielle.”

“Wow.. OA pa nga! Ikaw kaya yun!”

“Ayan na naman kayo.” Naiiling na saway ni Grace sa dalawa. "Pinatulog ko pa si Gail. You know... she doesnt want her ate to leave."

Lumambot ang expression ni Brielle. "Aw... don't worry kapag free ako sa school I'll visit often.”

Hindi kasi naging hadlang ang kapansanan ni Gila para maging malapit sila sa isa’t isa.

Nagkakasundo sila sa music, movies even fashion. Kahit wala siyang fashion sense.

"Mag-aral ka lang ng mabuti, anak. Huwag mo kaming isipin dito. We will be fine." Hinaplos nito ang buhok niya at muli pinaglipat ang tingin sa kanila ni Ivan na nakatayo sa nakabukas na pintuan. "Oh, siya umalis na nga kayo. Traffic. Tiyak gagabihin kayo sa daan. Iba ang maynila dito sa lugar natin."

  Lumabas sila ng bakuran.  Nakaparada roon ang pulang volkswagen ni Ivan. Pinaglumaan ‘yon ni Tito Fredie na ama ng kaibigan at ipinama rito. In good condition pa naman kaya mukhang makakarating pa sila ng Manila nito.

Ipinasok ni Ivan ang mga gamit niya sa compartment saka sumakay sa driver seat.

Pumihit si Brielle paharap sa Mommy niya. “My, tatawag ako pagdating ko doon.”

"Ang anak ko dalaga na. Mag-iingat ka doon, Brie. Huwag muna mag-bo-boyfriend. Distraction lang 'yan."

Natatawang yumakap siya dito. "Ma, hindi na ako bata. I'm 19 already. And don’t worry about me. I know my limitations and boundaries, saka wala pa isip ko ang pagboboyfriend." She pouted her lips as she rest her head on her mom's shoulder.

"It's just a reminder, honey. I know I can trust you. You're smart enough to handle boys," anito't ngumiti. Hinaplos ang pisngi niya saka binuksan ang shotgun seat. “Sige na umalis na kayo..”

“Thanks, Mom.” Humalik si Brielle sa Ina bago sumakay.

"Ingat ka sa pagmamaneho, Ivan.” Sinilip nito si Ivan na binubuhay ang ignition.

"Yes Tita, dont worry! Mag-iingat din po kayo lagi," nakangiting sagot ng kaibigan saka pinaandar ang sasakyan.

***

TUMINGALA si Brielle sa nakaukit sa arkong bato habang pumapasok ang sasakyan nila papasok sa loob ng University of the South. One of the best university in the country. They are offering almost all of the courses you’ve been looking.

"University of the South, Red Phoenix Warriors." mahinang usal niya sa sarili. Sumungaw siya sa labas ng bintana. Curious na iginagala ang paningin sa paligid.

Sampung beses o higit pa yata ang laki nito kumpara sa dating private school na pinapasukan nila ni Ivan. Naglalakihan at nagtataasan ang mga buildings. Mga makabagong istilong gawa sa salamin habang ang iba naman ay spanish era na gawa sa bricks and terracotta.

May lane kung nasaan ang iba't ibang kainan from canteen to fastfoods and restaurants, coffee shop even spa and parlors! They have it inside the campus. Pwede pala ‘yon?

Kaliwa't kanan ang naririnig nilang malalakas na party music. Ang mga estudyanteng naglalakad sa gilid ng driveway ay masayang nagbabatian kapag may nakakasalubong na kakilala. Mga grupong tila nag-set get together sa labas ng gymnasium na nadaanan nila. The nerds, the cool kids, the emo, the cheer leaders etc. Name it! Kumpleto sila.

Pakiramdam tuloy ni Brielle ay pumasok siya sa isang hollywood movie na college scense ang set up.

Sa patuloy na pag-usad ng sasakyan, nakarating sila sa hilera ng fraternity and sorrority houses. Tulad sa entrada pa lang ng university, makabasag eardrums rin ang party music doon. Abala sa pag-aayos ng mga lamesa at upuan ang mga lalaking topless. Litaw ang katawang obvious na alaga sa gym at body supplements. Hindi tuloy mapakali ang mga babaeng napapadaan sa gawing iyon. Humihinto sa paglalakad pagkatapos ay kakagatin ang daliri.

Hindi na nagulat si Brielle na mayroong mga fraternities at sorrorities sa kilalang unibersidad. Hindi hihina ang kredibilad mga ito dahil doon. Nabasa niya na karamihan sa malalaking university hindi lang dito sa pilipinas ay mayroong ganitong organization. Hindi biro ang mga taong namamalakad at napapaling mamuno rito. Mga senador, attorneys even our late heroes. Malaki raw kasi ang naitutulong ng organisasyon lalo na sa mga baguhang graduates. With money and power... madali na silang makilala sa larangan naisin.

Napailing si Brielle sa naisip. Mga mayayaman nga naman... akala nila sa kanila lang umiikot ang mundo.

"How could they allow that act here inside the campus! That's immoral," himutok ni Ivan. Nagsasalubong ang kilay na nakatingin sa mga lalaking topless.

Marahang tumawa si Brielle. Mukhang tatanda si Ivan ng maaga rito. "Welcome to college life!”

***

SA pinakadulo yata ng mundo este ng campus ang dorm nila. Kumpara sa mga nauna nilang naadanang mga dorm na akala mo mga hotel sa sobrang garbo at bongga. Ang nasa bahaging iyon sa dulo ng campus ang nag-iisang out of place.

Halatang may kalumaan na ang pitong palapag na gusali. Pininturahan lang kaya medyo hindi nahahalata ang maliliit na cracks sa pader.

Nakabukas ang door entrance niyon kaya kitang-kita ang malawak na lobby sa loob at ang paikot na malaking hagdanan. Puro babae lang ang nasa dorm na iyon. Sa katapat na building naman ang kay Ivan na puro lalaki.

Kinuha ni Ivan sa compartment ang mga gamit niya. "Ihatid pa kita sa taas?”

"Hindi na. Kaya ko na 'to" nakangiting isinukbit niya ang back pack pagkatapos hinili pataas ang handle ng maleta.

"Okay. See you tomorrow. Magkita tayo sa hallway papuntang registrar."

"Yes, sir!" Parang batang sumaludo siya sabay yumakap sa lalaki.

Nakasimangot na bumaba ang tingin nito sa kaniya. "Para saan 'yun?".

"Thank you, hug... Ang arte nito!"

"Ewan. I gotta go!” lumakad na ito papunta sa sasakyan. “Utang na loob! Don't be late!”

"Yeah. I know!" Tinaas niya ang kamay. Di na siya nag-abalang lingunin ang kaibigan nang marinir niya ang pag-alis ng sasakyan nito.

***

Sa ikalawang palapag ang silid ni Brielle.  Maluwang ang espasyo na may dalawang kama. Na-orient na siya na dalawa ang estudyante sa isang kwarto at okupado na  ang isang naroon. May tig-isa silang built in cabinet at study table na nakaharap sa bintana.

Huminga ng malalim si Brielle bago inilapag ang bag sa kama. Inilabas niya ang mga damit at maayos na isinalansan. Huminto siya sa ginagawa nang bumukas ang pintuan sa tagiliran niya't pumasok ang magiging roomate niya.

“OMG! You’re my new room mate?” excited na bulaslas nito sabay inilahad ang kamay sa kaniya. “I’m Abigail and you’re..”

Pinakatitigan ni Brielle ang babae bago tinanggap ang kamay nito. “Yes. I’m Brielle.”

She's pretty. With her bob cut hair lalong na-emphasized ang maliit nitong mukha. Maputi rin tulad niya. May braces at kumpleto ang make mula sa pak na pak na kilay hanggang sa perfect contour. Kikay ang colorful na outfit.

“Thank god... may kasama na ako!” Sumalampak ito ng upo sa kamang katapat ng sa kaniya. “Hindi na ‘ko matatakot mag-isa sa gabi. Kasi alam mo.. I feel like someone’s watching me everynight! It gives the f*****g creep— OMG! Ang daldal ko. This is you first day pero tinatakot na kaagad kita!”

  Bahagyang tumawa si Brielle at pinagpatuloy ang ginagawa. “okay lang.. Mahilig ako sa horror movies.”

“Ugh! I hate creepy movies.. not unless may kasama akong hottie na yayakapin ko kapag natakot ako. Gosh!” kilig na kilig itong gumulong-gulong sa kama.

Nauwi naman sa ngiwi ang ngiti ni Brielle. She’s weird…

“How about you, Brielle?”

"Freshmen student taking up occupational therapy."

Namilog ang mga mata nito. "Whoa!  pang matalino ang course mo! Akala ko pa naman parehas tayo." May panghihinayang na sabi nito.

Bahagyang natawa si Brielle. "Hindi ako pwede sa course na yun. Sabi nila magaganda lang daw ang kumukuha ng ganoong course at matatangkad. Disqualified ako."

"Of course not! You're pretty din kaya! Pero syempre mas ako! And I think.. you need a little..”

“A little what?” may pagtatakang ani Brielle at nalingunan ang babaeng humihimas sa baba nito habang pinagmamasdan siya.

“I think you need a make over!” hinawakan siya nito sa braso.

“H-ha? Sandali—”

Wala na nagawa si Brielle nang hatakin siya ni Abigail papunta sa kabinet nito. “I’m so happy! I think we’re going to be best of friends!” nagniningning ang mga mata sa excitement na sabi pa ng babae.  "

Mukhang hindi magiging boring ang pananatili niya sa dorm na ito.

This is it! College life! #NoParentsAllowed!

Free reading for new users
Scan code to download app
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeAdd