NAPILI ni Brielle isuot ang isang two piece na pula. Pinatungan niya iyon ng itim na off shoulder dress na halos wala ring silbi dahil kitang-kita ang bikini na suot niyasa sobrang ikli niyon. Itinali niya ang buhok in a messy bun at naglagay ng pabangong amoy pa lang mapapalingon na kahit sinong lalaki. Umikot siya ng ilang beses sa salamin. Nang masiyahan, sinabihan ang yaya ni Brianne na lalabas muna siya saglit at tabihan ang bata. Pagkalabas ng hotel tinungo kaagad ni Brielle ang direksyon papunta sa tabi-tabing mga night club and bars di nakalayuan sa hotel. Halos mabali ang leeg at maglaway ang mga lalaking nakakasalubong. "Sis, dito!" Malakas na tawag na Bea nang makapasok siya sa loob ng bar kung saan nagpaparty-party ang mga kasamahan. Halos mabasag eardrums niya sa lakas ng

