"Anong kalokohan 'to, Brielle? Hindi ka na natuto," naiiling na sabi nito ng maiwan sila sa salas. Sinamahan naman ni Abigail si Brianne sa kwarto nito. Nakahalata yata na beastmode ang jowa nito sa kanya. Simantala ng kaibigan ang pananahimik niya. "Pinapairal mo na naman 'yang katangahan mo, Brie. Akala ko ba you've learned your lesson well?" Tinititigan ang dalawang baso ng kapeng, bumuntong hininga si Brielle. "Ivan... karapatan ni Brianne makilala ang ama niya," malumanay na sagot niya dito. "Bakit nag-iba yata ang ihip ng hangin? No'ng nakaraan lang buo na ang pasya mong huwag ipakilala sq gagong 'yun sa anak mo pero ngayon..." tinitigan siya nito. "Nagbago ang isip mo?" Alam ni Brielle na concerned lang si Ivan sa kanila ng anak niya kaya ganoon na lang ito magsalita. Hindi niya

