KINAUMAGAHAN kahit puyat at masakit ang ulo dahil sa pagkabwiset kay Sebastian noong nakaraang gabi pumasok pa rin si Brielle sa opisina. Naglalakad siya sa patungo sa kaniyang station nang mahagip ng mga mata ang pagtsitsimisan ng mga katrabaho. Pasimpleng susulyap sa kaniya pagkatapos ay magbubulungan. Tulad ng dati deadma siya. Hindi siya bumababa sa level ng mga bruha, 'no! Sangkaterbang bulaklak ang sumalubong kay Brielle sa cubicle niya nang makapasok doon. Kaya naman pala ang aga-aga nagse-session ang mga tsismosa. Hayun! Tinamaan na naman pala ng inggit. Magaganda at elegante ang pagkakaayos ng mga pulang bulaklak sa puting box. 'Yung mga ganitong uri ng bulaklak ang nakikita niya madalas sa IG na business ng mayayamang celebrity. "Oh, my god!" Mahinang tili ni Bea mula sa likur

