NAGLALAKBAY sa mukha ng isat-isa ang mga mata nila. There was this urge to touch his face and feel his lips into hers. Ilang taon na ba siyang hindi man lang nahahalikan sa paraan na katulad ng kay Sebastian? Brielle, wake up! Hindi ka dapat magpadala sa tukso! Pagsisihan mo 'yan. Subalit tila napunta na yata sa ibang dimensyon ang katinuan ni Brielle. Hindi niya pinansin ang mga warning signs na umiilaw sa utak niya. "I really miss you, Elle," pabulong na usal ni Sebastian at hinapit siya sa beywang. Ang isang kamay naman naglakbay paakyat sa kaniyang kaliwang pisngi. Hindi malaman ni Brielle kung anong engkanto ang sumapi sa kanya at hindi niya magawang tumutol. Hindi niya magawang itulok ito. Hindi magawang gumalaw. It felt like she was under a spell. Nakatitig lang siya. Napaung

