KINAUMAGAHAN topic na naman nila ng anak niya ang nalalapit na family day. Wala bukang bibig ang bata kundi ang daddy nito. Kung darating ba at kung sasali sila sa mga games dahil required daw na may daddy. Mga katanungang hindi na alam ni Brielle ang isasagot. Madalas sinisisi niya sa isipan si Sebastian. Okay lang na iniwan siya nito, eh. Pero sana naman naging ama ito kay Brianne para hindi nag-mu-mukhang tanga ang anak niya sa mga ganitong school events. "Mommy?" Napabuntong hininga si Brielle. "Baby, 'di ba sinabi ko na sa 'yo... Busy ang daddy mo. Hindi natin siya pwedeng makita... If you want next week mamasyal na lang tayo sa mall? Buy na natin 'yong toy na gusto mo?"sabi niyang ginulo ang buhok ng anak. Hindi na niya kasi alam kung paanong pag-eexplain pa ang gagawin. Lahat

