AFTER FIVE YEARS.. MARAMI NANG nagbago sa buhay ni Brielle at Brianne simula ng iwan sila ni Sebastian. Hindi ulit nagpakita pa ang lalaki. Ilang buwan pa silang kinukulit at pinupuntahan ng abogado nito, ipinipilit ang financial assistance na hindi tinanggap ni Brielle. Kahit hirap na hirap siya kung saan kukuhanin ang mga pangangailangan nilang mag-ina. Kahit ang alok na tulong ng mga kaibigan ay tinanggihan niya. Sinulong niyang itaguyod mag-isa si Brianne. She doesn't want to be a burden to anyone. Nandiyang nag-part time siya online sa gabi. Sa umaga naman ay pumapasok siya bilang tutor. Sinasama niya ang anak dahil wala siyang maiwanan dito noong panahong maliit pa ito. Lumipat rin sila sa mas maliit na apartment para mas mura ang upa. May mga araw na umiiyak na lang si Brielle s

