TATLONG araw silang nagtagal sa Santa Barbara Beach. Napakasaya ng bawat araw nila roon. Kung may makakabanto man sa kaligayahan yun ni Briells ay sa tuwing nahuhuli niya si Sebastian na pinagmamasdan silang mag-ina at tila ba ang lalim ng iniisip nito. Sa tuwing tatanungin naman niya ang lalaking kung may problema ba sila. Ngumingiti lang at ito sasabihing wala. Naging napakalambing rin nito sa kanila ni Brianne at walang gabing hindi sila nagsiping na tila ba sinusulit ang natitirang mga araw sa mala-paraisong lugar na iyon... Hanggang sa bumalik sila sa realidad. Nagbago ang lahat ng pakikitungo ni Sebastian sa kaniya. Madalas hindi na siya nito iniimikan, tuwing uuwi ito sa apartment. Parang hindi na ito 'yung Sebastian na minahal niya, parang hindi na siya yung lalaking kasama niya

