APAT NA ARAW na hindi siya pinuntahan ni Sebastian. Hindi rin nagtetext ang mokong. Kaya lalong isinumpa ni Brielle ang lalaki. Palagi namang dumadalaw sina Ivan at Abigail. May pagkakataon pang nag-sleep over ang mga ito. Kaya kahit paano ay na-di-divert ang atensyon niya. Hinatid siya ni Jasper nang minsang magkasalubong sila papauwi kaya nalaman nito kung saan ang inuupahan niyang apartment. "Brielle, thank you, ha? Kasi pumayag ka pa din na maging magkaibigan tayo." Nakatayo sila sa tapat ng pintuan ng apartment niya. Hindi na ito pumasok sa loob kahit niyayaya niya. "Ano ka ba. Ako nga ang dapat magpasalamat. Kasi nand'yan ka pa din bilang kaibigan ko," nakangiting sagot niya. Ilang sandaling dumaan ang katahimik. Nakatitig lang ang lalaki sa kaniya na may kung anong kislap sa m

