KAHIT ANONG PILIT NI Brielle hindi siya dalawin ng antok. Paikot-ikot lang siya sa higaan at hindi makahanap ng magandang pwesto. Nang sulyapan niya ang orasan na nakasabit sa dingding, alas-nuebe pa lang ng gabi. Siguro enjoy na enjoy ang mokong na 'yun ngayon. Malamang naka-first base na sila ng ka-date niya. Tumagilid siya ng higa at inis na itinakip ang unan sa mukha. Ilang sandali ang lumipas malakas siyang napabuntong hininga. Ano bang nangyayari sa kaniya? Kahit sa pagpikit si Sebastian na may kaulayaw na magandang babae ang lumilitaw sa isip niya! This is unfair! Samantalang ang lalaking 'yon. Nag-eenjoy. Habang heto siya parang sinisilihan ang puwet. Nasa ganoong state of mind si Brielle nang marinig ang sunod-sunod na pagkatok. Patamad siyang bumangon at nagtungo sa pintuan.

