SA SUMUNOD na mga araw himalang hindi sila nagtatalo ng ni Sebastian. Hindi na rin nawala sa isipin ni Brielle ang mystery caller ng binata. Sa tuwing sasagutin iyon ay lumalayo pa ito sa kanya. Na tila ingat na ingat na huwag niyang marinig. If he wants some privacy naiintindihan 'yon ni Brielle dahil wala naman silang relasyon. Wala siyang karapatan mag-demand ng kahit na ano. Nagsasama lang sila para sa responsibilidad na pilit nilang ginagampanan, na hindi nila alam kung hanggang kailan nila kakayaning ilihim. "Brielle, pumunta ka sa birthday ko bukas, ha? Isama mo yung boyfriend mo," nakangiting anyaya kay Brielle ng amo niyang si Cherry. "Naku, Ma'am." Napangiwi si Brielle ng marinig ang term na boyfriend. "Hindi po ako sigurado d'yan," pagdadahilan niya. Dahil ang totoo iniisip

