MABILIS na lumipas ang mga araw at kabuwanan na ni Brielle. May mga pagbabago na sa kanilang dalawa ni Sebastian. Nagkaroon na ng sweetness and understanding. Hindi pa rin naman naiiwasan na magtalo sila kung minsan. Tulad na lang nang minsanag dumalaw si Jasper. Ilang araw siyang hindi kinibo ng lalaki. May pagkakataon ring pinagtatalunan nila ang maliliit na bagay. Napapasimangot si Sebastian kapag naiiwanan niyang nakabukas ang toilet bowl habang siya naman at nabubwiset pa rin kapag gumagamit ng pabango ang lalaki. Pero sa kabuoan masaya si Brielle. Naging turning point nga ng relasyon nila ang isang gabing pag-uusap. Pero wala pa ding label kung ano ba sila. Walang nagbabanggit ni isa man sa kanila ng love or like. Basta masaya sila sa ngayon. 'Yon ang importante. Napansin din niy

