bc

Recipe for Speed

book_age18+
17
FOLLOW
1K
READ
billionaire
family
HE
opposites attract
arrogant
heir/heiress
sweet
bxg
lighthearted
office/work place
sassy
like
intro-logo
Blurb

Si Belle Parker ay isang tanyag na Michelin-star chef at may-ari ng anim na sikat na restaurant branches na dinarayo ng mga food lovers mula sa iba't ibang panig ng mundo. Kilala siya sa kanyang pambihirang talento sa kusina at sa paniniwalang ang bawat putahe ay dapat lutuin nang may puso.Samantala, si Ichigo Tan ay isang world-class professional car racer na kilala sa kanyang bilis sa racetrack... at sa pagiging sobrang maselan sa pagkain. Dahil sa mahigpit niyang diet at mataas na standards, halos wala nang chef ang nakapagpasaya sa kanyang panlasa.Nang magkrus ang kanilang landas, nauwi ang unang pagkikita sa bangayan. Para kay Belle, napakaarte ni Ichigo. Para naman kay Ichigo, hindi sapat ang pagiging sikat kung hindi naman perpekto ang bawat pagkain.Ngunit habang mas lalo silang napapalapit, unti-unti nilang matutuklasan na ang pinakamahirap palang recipe ay hindi tungkol sa pagkain o sa bilis ng sasakyan-kundi kung paano buksan ang puso sa taong hindi mo inaasahang mamahalin.Sa pagitan ng init ng kusina at ingay ng racetrack, mabubuo kaya ang recipe ng kanilang pag-ibig... o mauuwi lang ito sa isang crash na walang finish line?

chap-preview
Free preview
EPISODE 1-A Chef's Legacy
DISCLAIMER This is a work of fiction. All characters, names, places, businesses, organizations, and events portrayed in this story are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. This story is an original work by Lady Ellie. Please do not copy, repost, translate, or reproduce any part of this story without the author's permission. © Recipe for Speed by Lady Ellie. All Rights Reserved. Happy reading! ❤️ Bata pa lang si Belle Parker ay mahilig na siyang tumulong sa kusina. Nasa dugo na ng kanilang pamilya ang husay sa pagluluto kaya hindi na naging mahirap para sa kanya na sundan ang mga yapak ng kanyang ama, si Chef William Parker, na minsang kinilala bilang isa sa pinakasikat na Michelin-star chefs sa mundo. Sa edad na pitong taon, marunong na siyang humawak ng kutsilyo at maghanda ng simpleng putahe. Pagsapit ng labinlimang taong gulang, nakagawa na siya ng sarili niyang signature dish. At sa murang edad na dalawampu't anim, isa na siyang Michelin-star chef at may-ari ng anim na matagumpay na restaurant branches na dinarayo ng mga food critics, celebrities, at tourists mula sa iba't ibang panig ng mundo. Tinawag siya ng media bilang "The Golden Chef" at "The Youngest Culinary Prodigy." Ngunit sa kabila ng kanyang kasikatan, nanatili siyang mapagkumbaba at hands-on sa bawat restaurant na kanyang pinamamahalaan. Abalang-abala ang flagship restaurant ni Belle sa tanghali. Nagmamadaling pumapasok at lumalabas ang mga waiter habang sunod-sunod ang orders. "Table five, medium rare Wagyu!" "Yes, Chef!" sabay-sabay na sagot ng kitchen staff. "Chef Belle, ubos na po ang truffle puree!" "Prepare another batch. Bilisan natin," kalmadong utos niya habang maingat na nilalagyan ng sauce ang isang plato. "Order in! Lobster risotto for table twelve!" "Coming!" Halos walang tigil ang galaw ng buong kusina. Mainit ang paligid, ngunit hindi man lang pinagpapawisan ng husto si Belle. Sanay na siya sa pressure. Lumapit ang kanyang sous chef. "Chef Belle, dumating na po ang food critic ng Gourmet Magazine." Hindi man lang siya natinag. "Seat him comfortably. Siguraduhin n'yong perfect ang service." "Copy, Chef." Ilang segundo pa lang ang lumipas ay muli na namang may tumakbo papunta sa kanya. "Chef! Fully booked na po tayo hanggang mamayang dinner. May waiting list pa." Napangiti si Belle. "Good. Huwag tayong maging kampante. Every customer deserves the same quality." "Yes, Chef!" Habang abala ang lahat, isang batang trainee ang aksidenteng nabitawan ang plato. Crash! Nagkatinginan ang buong kitchen. "Sorry po, Chef! Hindi ko po sinasadya." Lumapit si Belle at tinapik ito sa balikat. "Okay lang. Hindi mahalaga ang nabasag na plato." Napatingin ang trainee sa kanya. "Ang importante, wala kang sugat. Pero tandaan mo, sa kusina hindi lang pagkain ang hinahawakan natin. Responsibility din." "Yes, Chef... Hindi na po mauulit." Ngumiti si Belle. "Now, get back to work." "Yes, Chef!" Muling nabuhay ang ingay sa kusina. Tunog ng kawali. Tunog ng kutsilyo. Sigawan ng mga orders. "Chef Belle, kaya pa ba? Mukhang magdamag na naman tayo nito." natatawang sabi ni Marco, ang isa sa mga senior chefs, habang mabilis na hinihiwa ang mga gulay. Napangiti si Belle kahit hindi inaalis ang tingin sa niluluto niyang sauce. "Naku, laban lang. Hangga't may order, tuloy ang serbisyo." "'Yan ang Chef natin! Maganda na, masarap pang magluto, masipag pa!" sigaw ni Leo mula sa kabilang station. Nagtawanan ang buong kitchen. "Uy, baka marinig ng media, sabihin n'yo naman mayabang ako." natatawang sagot ni Belle. "Hindi na kailangan sabihin, Chef. Alam na ng buong city! Six branches ba naman ang pinapatakbo mo." biro ni Mia habang inaayos ang dessert plates. "At lahat puno ng customers araw-araw. Nakakapagod pero worth it." dagdag ni Marco. Napailing si Belle. "Hindi ko naman ito magagawa kung wala kayong lahat. Team effort 'to." "Ayan na naman si Chef Belle, sobrang humble." sabi ni Leo. "Eh totoo naman. Kahit gaano ka kagaling, kung wala kang maayos na team, wala ring mangyayari." Biglang sumigaw ang expediter. "Chef! Four Wagyu steaks, dalawang seafood pasta, tatlong signature risotto! Fire!" "Heard!" sabay-sabay na tugon ng buong kitchen. Agad na bumalik ang lahat sa kani-kanilang pwesto. "Marco, ikaw sa steaks. Mia, desserts. Leo, pasta. Ako na sa risotto. Bilisan natin." "Yes, Chef!" Habang abala ang lahat, muling nagsalita si Leo. "Chef, curious lang ako... Totoo bang ilang beses ka nang inalok magtayo ng restaurant sa Paris?" "Oo. Pati sa Tokyo at New York." simpleng sagot ni Belle. Napahinto sandali ang ilan. "Ha? Tapos tinanggihan mo?" Tumango siya. "Mas gusto kong dito muna. Marami pa akong gustong patunayan sa restaurant ng pamilya namin." "Kaya pala ikaw ang inspirasyon naming lahat." ani Mia. Napakamot si Belle sa batok. "Inspirasyon agad? Baka mamaya pagalitan n'yo na ako kapag pinadagdagan ko ang trabaho." "Hindi na bago 'yon, Chef!" sigaw ni Marco. Muling umalingawngaw ang tawanan sa kusina. Kasabay noon ang sunod-sunod na pagpasok ng mga orders. "Sayang, hindi na nagpupunta rito si Tito William." malungkot na sabi ni Leo habang inaayos ang mga plato. Saglit na natahimik ang buong kusina. Kilala ng lahat ang ama ni Belle. Isa ito sa mga chef na kanilang hinahangaan at naging inspirasyon. Napangiti si Belle habang patuloy na hinahalo ang sauce. "Huwag kayong malungkot. Nagpapahinga lang si Dad." aniya. "Pero nami-miss namin siya, Chef. Kapag nandito si Tito William, parang mas masaya ang kusina. Ang dami niyang kwento at lagi pa kaming tinuturuan ng mga bagong techniques." sabi ni Marco. "Oo nga. Kahit retired na siya, ibang klase pa rin ang aura niya. Kapag pumapasok siya rito, parang mas ginaganahan kaming lahat." dagdag ni Mia. Napangiti si Belle. "Sigurado akong matutuwa si Dad kapag narinig niya 'yan. Simula nang magretiro siya, gusto na lang niyang mag-enjoy sa buhay. Sabi niya, ako na raw ang bahala sa legacy na iniwan niya." "At hindi mo naman siya binigo, Chef. Mas lalo pang sumikat ang Parker Restaurants dahil sa'yo." ani Leo. Bahagyang natawa si Belle at umiling. "Hindi lang dahil sa akin. Dahil sa ating lahat. Kung wala kayo, hindi magiging ganito katagumpay ang restaurant. Kaya tara na, maraming customers ang naghihintay. Ayokong may umalis na hindi nakangiti." "Isa pa, Chef..." singit ni Marco habang nag-aayos ng mga ingredients. "Bakit ba ayaw mong magpa-interview? Hindi ka naman pangit. Sigurado akong mas lalo pang sisikat ang restaurants natin kapag lagi kang napapanood sa TV." Nagtawanan ang buong kitchen. "Oo nga, Chef! Ang dami nang TV networks at magazines na gustong kunin ka. Kahit sa social media, trending ka pa rin kahit bihira kang magpakita." dagdag ni Mia. Napailing lang si Belle habang maingat na nilalagyan ng garnish ang isang steak. "Gusto ko kasi ng pribadong buhay." kalmado niyang sagot. "Pero sayang naman, Chef. Ikaw na ang pinakabatang Michelin-star chef na may anim na branches. Hindi ba nakaka-excite maging celebrity?" tanong ni Leo. Bahagyang ngumiti si Belle. "Hindi naman kasi 'yon ang pangarap ko. Ang gusto ko lang ay makapagbigay ng masasarap na pagkain sa mga tao. Mas masaya akong nasa kusina kaysa nasa harap ng camera." "Pero isang interview lang naman." mapilit na sabi ni Marco. Napatawa si Belle bago umiling. "Kapag tinanggap ko ang lahat ng alok nila, baka dumating ang panahon na mas marami na akong oras sa pagsagot ng mga tanong kaysa sa pagluluto. Ayokong mangyari 'yon." "Mas gusto kong makilala ang mga putahe ko kaysa ang mukha ko. Kung may dapat sumikat, 'yung pagkain ang gusto kong pag-usapan ng mga tao." Napangiti ang buong team. "Kaya ka namin hinahangaan, Chef. Hindi ka lang magaling magluto, napaka-humble mo pa." sabi ni Mia.''naku tigilan nyo ko malayo pa ang pasok kaya Wala pa kayong matatanggap na bonus sakin''biro ni belle''grabe naman chef,no joke naman yun palagay mo tatagal kami dito kung di yun totoo?''saad ni Marco.tama naman ang mga ito kung tutuusin Marami din mga nag offer sa mga ito overseas.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

I Married The Arrogant CEO

read
32.7K
bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
17.0K
bc

The Heartless Don's Angel

read
79.8K
bc

Mafia Heir Declan Madrigal

read
485.1K
bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
835.8K
bc

In Bed With Kuya Red

read
60.2K
bc

Owned by an Arrogant Billionaire- Montenegro Obsession 1

read
58.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook