Chapter 1
Chapter 1
Crystal
"Good morning Daddy," sabi ko kay Daddy nakaupo sa paborito niyang Cabriole sofa sa living room.
"Good morning too anak, come here sweet, please sit next to me." Tawag sa akin ni Daddy.
Umupo ako agad sa tabi ng aking daddy. Habang umiinom siya ng cup of green tea. Pangiti-ngiti siya sa akin.
"Dad, mahal na mahal ko po kayo," I said and smiling at him.
"Mahal na mahal din kita anak," he said.
Mga ilang araw mapapansin ko na may tinatagong problema si daddy. Tinanong ko siya kung may problema ba siya sa negosyo namin. Kahit na hindi ko alam ang pasikot-sikot sa Chips Factory at iba pang kinds of products ni dad, lagi ko tinatanong sa kan'ya, kung kamusta ang negosyo namin. Bata pa raw ako kaya hindi pa niya ako pinapayagan magtrabaho sa company namin at isa pa ayaw din ni Ate Kristina.
"Sweetie. I want to tell you something," he said.
Seryoso niya akong tinititigan. Sa mga titig sa akin ni daddy, parang may kakaiba ito sa lahat ng titig niya sa akin lalo na kung paano niya akong kausapin.
"Yes dad, may problema ba kayo sa factory?" malungkot na tanong ko kay daddy.
Hindi agad sinagot ni Daddy ang tanong ko sa kan'ya. Nang makita niya si Mommy na pababa sa hagdanan. Dalawang palapag kasi bahay namin. Nilingon ako ni Daddy na sinabihan niya ako na mamaya na kaming mag-usap.
Binati ni Mommy si Daddy, hinalikan niya sa pisngi. Tumayo ako at lumapit ako sa aking ina, para halikan sa pisngi pero bigla siyang lumayo sa tabi ko. hinayaan ko na lang dahil nasanay na ako.
"Crystal, iwanan muna kami ng dad mo. Kung maaari tulungan mo si manang maghanda ng almusal natin." Utos sa akin ni Mommy at sumang-ayon naman ako agad.
Tiningnan ako ni Daddy. Ngumiti siya sa akin at tumango siya sa akin. Malaking hakbang kung tinungo ang kusina nadatnan ko si manang na busy sa pagluluto.
"Magandang umaga po manang," nakangiting bati ko sa kan'ya.
"O, ikaw pala Crystal. Magandang umaga naman sa'yo, bakit parang nalugi naman ang mukha mo?" tanong sa akin ni manang habang nagluluto siya.
Ngumiti lang ako sa kan'ya at tinulungan ko siyang ihanda ang mesa. Isa-isa ko nilagay sa mesa ang apat na plato at mga baso. Nilagay ko rin sa mesa ang ibang pagkain na niluto ni manang. Sarap na sarap ako sa amoy ng mga meals na niluto ni manang.
One of my favourite ang isa sa mga niluto niya. Fried rice with vegetables and she put eggs on it. Pagkatapos namin ihanda ang hapag-kainan ay tinawag ko sila Daddy at Mommy sa living room.
Nang nasa dining table na kami, inutusan ako ni Daddy na tawagin ko sa taas si ate Kristina. Mabilis akong umakyat sa kwarto ni ate. Kakatukin ko na sana ang pinto pero bumukas din ito agad.
"Hi, good morning ate," I said and I smiled at her.
"Good morning too," walang kaganang-gana bati niya sa akin.
Sabay kaming bumaba sa hagdanan at diretso kaming pumunta sa dining table. Tanging ingay lang ng kutsara, tinidor ang naririnig ko. Walang nag-iimikan sa amin.
Bahagyang nagsalita si daddy, bawat isa sa amin ay nakining sa mga sinasabi sa amin ni dad.
"Mamayang gabi, we have dinner outside. Gusto kung e-celebrate ang pagtatapos ni Crystal sa kanyang pag-aaral. Finally honey natapos mo na rin ang kurso mo na Bachelor of Science in Office Administration. I am so proud of you anak." Nginitian ako ni Daddy.
Tumulo ang luha ko sa mga sinabi ni Daddy sa akin. Last month pa ako nag-graduate ngayon lang nagkaroon ng time si Daddy na e-celebrate ako. Naiintindihan ko naman sila dahil lagi sila busy sa negosyo nila. Tumayo ako at hinalikan ko si Daddy sa kamay niya. Niyakap ko rin siya.
"Thank you so much Daddy, Mommy, Ate kung hindi dahil sa inyo hindi ko makamit ito. Thank you for everything." Lumapit ako kay Mommy at niyakap ko siya.
"You're welcome anak, masaya kami para sa'yo." Sabi ni mommy.
Mas lalong pumatak ang luha ko sa aking pisngi ng halikan ako ni Mommy. Minsan lang kasi akong halikan ni Mommy at Ate Kristina. Bumalik ako sa akin upuan at masaya akong kumain ng almusal.
Pagkatapos naming lahat kumain ay nagsipag tayuan na kami. Umakyat si Mommy at Ate sa taas. As usual routine ko tinutulungan ko si manang magligpit ng pinagkainan namin. Si manang Laura is parang Nanay ko na rin siya. Kung may mga bagay akong gustong sabihin siya ang kinakausap ko, lalo kapag may time na sobrang sentimental ko.
Nagpaalam ako kay manang matapos ko siyang tulungan sa kusina. Paglabas ko ng kusina ay nakita ko Daddy na nakaupo sa living room nagbabasa ng newspaper. Nilapitan ko siya at umupo ako sa tabi niya.
"Dad," mahinahon na sabi ko.
"Yes honey," tugon niya sa akin.
Bumuntong-hininga muna ako bago magsalita at umupo ako ng maayos.
"Daddy. I'm on the right age, so pwede na ba akong pumasok sa kompanya mo dad? Mabait naman ako ng secretary mo? 'Di ba you told me before, after I'm graduating ay ipasok muna ako sa kumpanya natin?" I said.
"Honey, we will talk about that later or soon," he said.
"But dad, I wanna work. Kung 'di mo ako papayagan magtrabaho sa kompanya mo, I'm going to find another company to apply." I said to him while he was reading a newspaper.
"Please, anak hindi sa 'di ako pumayag na hindi ka magtrabaho. May inaayos lang ang Daddy mo. Soon as possible magiging secretary din kita anak." I gave him a big hug.
"Thank you dad. For all you love and your support. I Love you so much. Thank you for always being there for me. I'm always and always gonna tell you how much I love you dad. I am the luckiest girl in the world to have you as my father." My dad hugged me tight.
"Ma-drama ka talaga anak. Pinaiyak mo na naman ang Dada mo." He said to me, and he wink at me.
"May lakad ka ba ngayon?" tanong niya sa akin.
"Yes, Dad. Magkikita kami ng mga kaibigan ko. Then before dinner time, I'll be at home." I said.
"Okay, that's good see you later, I have to go." Paalam ni daddy sa akin dahil may meeting pa siya na hahabulin sa kanyang opisina hinalikan niya ako sa noo.
I think may tinatagong problema si Daddy, about sa factory niya. Almost one month na nag-iiba ang awra ng mukha ni daddy. Napapansin ko rin na pumapayat siya.
"Sige, anak aalis na ako sabihin mo lang sa Mommy mo na umalis na ako," he said.
"I will dad. Take care always," I said.
Pag-alis ni daddy, umakyat agad sa kwarto ko. Nang buksan ko ang pinto ng kwarto ko, tumunog ang mobile ko. Sinagot ko agad ang mobile ko dahil ang kaibigan ko na si Andy. Hindi siya girl a, he's a boy si Andrew.
"Hello," I said.
"Bruha na fairy!" sigaw niya sa pangalan ko sa linya sa sobrang tinig at lakas ng boses sa linya parang mabasag na ang eardrum ko.
"Andy naman babasagin mo ba ang eardrum ko, ano akala mo sa tenga ko bakal." Tudyo ko sa kan'ya sa linya. Tinawanan lang ako sa linya. Kasi alam ko na inaasar lang niya ako.
"Kung diyan lang ako sa tabi mo siguro nakasalubong na ang kilay mo." Sabi niya sa akin sa linya. Napatawag ako dahil mamaya treat tayo ni Samuel sa lunch. Just want to remind you at tinawagan ko rin si Lea." Maarteng sabi niya sa akin sa linya.
"Okay, 'di ko naman 'yun nakalimutan. Saan ba ang venue?" tanong ko.
"Boulevard, alam mo naman kagagaling lang ng Australia si Samuel." He said.
Speaking of Samuel long time na manliligaw ko. Until now ay manliligaw ko pa rin siya. Ewan ko ba sa akin kung wala sa vocabulary ko na papayagan ko siya na ligawan ako. Siguro wala sa kan'ya ang hanap ko sa lalaki, kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kan'ya. 'Di pa siya ang right man ko.
Kaya minsan pinagtatawanan ako ng mga kaibigan ko. Since birth no boyfriend ako hanggang crush lang ako. Nagfo-focus kasi ako sa pag-aaral ko. Gusto ko ipakita kila Mommy at Daddy na may natapos ako. Masuklian ko man lang ang mga sakripisyo nila sa akin.
Pagkatapos namin mag-asaran ni Andy sa linya, nag-general cleaning ako sa kwarto ko. May oras pa naman ako dahil maaga pa nag-concentrate ako sa pagliligpit ng mga lumang gamit ko. Tinabi ko ang ibang 'di ko na ginagamit dahil may Orphan Charity Organization na kung may mga gamit na hindi na kailangan pwede namin e-donate. Para sa mga batang nangangailangan ng kahit anong gamit.
Nang matapos na akong magligpit naligo ako ulit. Almost two hours din akong nag-ayos ng gamit ko. Napapangiti ako dahil kahit paano makakatulong ako sa mga nangangailangan. Pagkatapos kung maligo ay kumuha ako ng isusuot ko na damit aking kabinet. Napili ko ang high waist white jeans, and top on it is a pink crochet spaghetti.