Chapter 72 THIRD PERSON POV Kinabukasan naunang gumising si Levon. Dahan-dahan siyang bumangon para hindi magising si Crystal na mahimbing na natutulog. Pinulot niya ang mga damit nila ni Crystal sa sahig kung saan-saan na lang natapunan kagabi. Hinawi niya ang mga hibla na buhok ni Crystal sa pisngi ni Crystal at hinalikan niya ang malinis na braso ni Crystal. "Hinding-hindi na kana mawawala sa akin mula ngayon sweetie." Sabi ng isip ni Levon. Tiningnan niya ang ang oras sa kanyang cellphone pasado alas nueve ng umaga. Maya-maya ay pumasok siya sa banyo para maligo. Habang naliligo si Levon ay kumakanta siya sa saya na nararamdaman niya ngayon dahil muli na naman niya na angkin ang babaeng mahal niya. Hindi na siya makapaghintay ngayon araw siya mag proposal kay Crystal ulit. Si

