Chapter 74 CRYSTAL Pinauwe muna ako ni Levent at Tito dahil baka hinahanap na ako ng anak ko. Sila muna ang magbantay kay Levon. Tatawagan lang daw nila ako kapag magising si Levon. Pumayag ako sa gusto nila. Babalik na lang ako bukas para ako naman ang titingin kay Levon. Hindi ko rin alam kung anong oras nilang ilipat sa private room niya. Ang mahalaga ngayon lahat kami ay panatag na ang loob namin. Kahit si Tita Lara hanggang ngayon ay tulog pa rin siya dahil anesthesia. Naiwan sila Levent at Tito. Tinawagan din ni Lorraine si manang na dalhan sila ng damit. Umuwi kami ni Kuya sa mansion namin ng tawagan ko si Ate Yassi nakatulog ang anak ko napagod daw siya kanina naligo daw sila sa pool. Tinanong ako ni Kuya sa totoong nangyari ngayon pa siya nagkaroon ng oras na tanungin ako.

