Chapter 55 CRYSTAL "Crystal," hindi ko siya nilingon. Sa mga ginawa niya sa akin yan lang ang kaya niyang gawin. Sinundan ko si Glaiza at ng anak ko. Hinayaan ko si Levon na hindi na ako lumingon kahit na ilang beses na niya tinawag ang pangalan ko. Ano siya hello? Nang nasa loob na kami ng yate ay inutusan ko si Glaiza na magligpit na ng gamit. Nagtataka siya gusto niyang magtanong pero sinabihan ko siya huwag muna ngayon. Tinawagan ko ang si captain na uuwi na kami at siya na ang bahala sa yate. Ilang sandali nagmamadali kami umalis ni Glaiza at nh anak ko. Sa parking area kami dumiretso ng makita ko ang sasakyan ko ay binuksan ko agad pumasok kami sa loob ng sasakyan. Nang makita kung hinahabol kami ni Levon ay pinaandar ko agad ang sasakyan. Binilisan ko para hindi niya kami mahab

