Chapter 18 CRYSTAL Tahimik lang na nakatingin sa amin ang mga tao at nakayuko pa ang iba dahil si Levon ang nakakasalubong nila. Hindi binitawan ni Levon ang kamay hanggang nasa loob na kami ng sasakyan niya. "Saan mo ako dadalhin at may appointment ka pa mamaya?" tanong ko. "Let's have breakfast outside first, gutom din ako." Sabi niya at pinaandar ni Matias ang sasakyan. Hindi ko na lang siya pinansin, nakatanaw lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan. Hanggang sa dumating kami sa harap ng isang sikat na restaurant. Alam ko ang restaurant na ito dahil kumain kami ng mga kaibigan ko. Lumabas ako ng sasakyan hinintay ko si Levon na lumabas ng sasakyan. Lumapit siya sa akin nakita ko na nilagay niya sa loob ng bulsa niya ang cellphone niya. Muli na naman kumulo ang tiyan mga pasaw

