Chapter 66 CRYSTAL Lumingon ako kay Levon kahit siya nagulat sa pagdating namin ng anak ko. Nanatili pa rin hanggang ngayon nakahawak sa kamay ko ang anak ko tila ayaw niya akong bitawan. Lumuhod si Levon sa harap namin ng anak ko hindi niya inalis ang mata sa anak ko. Binuka niya ang kanyang bibig pero walang salitang lumabas sa bibig niya. Nakatingin lahat sila kay Levon na gustong-gusto yakapin ang anak ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko habang nag titigan silang mag mag-ama. Tiningnan ko sila Tita Lara na nakatingin sa aming tatlong. Ngumiti si Tita Lara sa akin nakita ko rin na pumatak ang luha niya sa kanyang pisngi. Hinawakan siya ni Tito sa kanyang kamay. Masaya siya dahil hindi ko sila binigo na dalhin ko ang kanilang apo dito sa mansion nila. May ibang kamag-a

