Chapter 25 CRYSTAL "Tita, wala akong hangad na masama kay Levon. Mahal ko siya at kahit na magkapatid kami ni Ate Kristina ay magkaiba po kami ng ugali at mas lalong magkaiba kami ng saloobin." Umupo ulit si Tita Lara mata niya sa akin. Nararamdaman ko na kung gaano niya kamahal ang mga anak niya at naiintindihan ko siya. Sana lahat ng ina ay katulad ni Tita Lara. Pero hindi ko kayang mawala sa akin si Levon sasabihin ko kay Tita Lara ang totoong buhay. Sure na maintindihan niya ako. "Hija, magaan ang loob ko sa'yo. Hindi ibig sabihin na gusto kung layuan mo ang anak ko ay masamang ina na ako. Dahil ang gusto ko lang protektahan ko siya ako ang ina niya na natatakot kung sakali na maulit muli ang nangyari sa kanya. Hindi ko na kayang magdusa ulit ang anak ko. Please hija…" Hindi natapo

