Chapter 27 CRYSTAL Nang nasa De Vora's Hotel na kami ay hindi pa rin kami nag-iimikan ni Levon. Hanggang sa tinungo namin kung saan kami makipagkita kay Frank. Si Frank ay hindi ko pa siya nakita sa personal, nakita ko lang siya sa magazine, television billboard at sa social media. Kahit nahuhuli ako sa hakbang ay hinintay pa rin ako ni Levon humihinto para hintayin ako. Hindi ko pa rin alam kung galit ba siya sa akin o ano. Sinubukan ko siyang kausapin tungkol sa akin ay pag-uwi na lang daw namin sa kanyang Penthouse. Ng nasa loob na kami ng restaurant sa hotel ay umupo ako sa harap ni Levon. Tiningnan ko si Levon tahimik tila binabasa niya ang mga kilos ko at mukha ko. Hindi ko siya maintindihan kung paano niya akong titigan. Hindi pa rin dumating si Frank napansin naiinip si Levo

