Chapter 99 CRYSTAL "Hannah ilang ulit kong sasabihin sa'yo na lubayan mo ako. Once na makikita ulit kita dito sa kumpanya ko or gumawa ka ng hindi maganda sa asawa ko na si Crystal kilala mo ako. Hindi ko na kailangan ipaliwanag sa'yo naiintindihan mo ba ako!" Napaawang ang labi ni Hannah natakot sa sinabi sa kanya ni Levon. Malakas ang boses ni Levon at narinig ng ibang employees ang sinabi niya kay Hannah. Tinawag niya ang kanyang sekretarya na paalisin si Hannah kung hindi umalis ay inutusan niya ang sekretarya na tumawag ng security para makalabas si Hannah. Hindi sumagot si Hannah dahil naintindihan niya ang banta sa kanya ni Levon. "Opo Sir." sagot sa kanya ng kanyang sekretarya. "Ayaw mo bang umalis o baka gusto mong paliguan kita ng mainit na tubig!" Sabi ko natawa ang sek

