Chapter 47 CRYSTAL Almost two years na ako dito sa Holland. Hanggang ngayon ay naninibago pa ako. Feeling ko napaka-seryoso ng mga tao dito at tahimik. Mula ng malaman nila Mama at Papa ang nangyari sa akin ay dinala na nila ako dito. Dito lang daw muna ako. Kung handa na ako ay anytime na pwede akong bumalik ng Pilipinas. Gusto ko rin ang idea nila para sa akin at si Kuya Iyaz lagi siyang supportive sa akin malaki na rin ang tiyan ni Yassi kapag tinawag ko siyang ma'am Yassi ay nagagalit sa akin. Dahil kahit daw baliktarin pa niya ang buhay niya ay hindi ko raw bagay sa kanya na tawagin ko siyang ma'am. Mabait at maganda si Yassi isa siyang nurse nakilala siya ni Kuya sa London. Gusto nga ni Yassi na bumalik sa London para magtrabaho ay hindi siya pinapayagan ni Kuya lalo na buntis s

