Chapter 97 CRYSTAL Lumabas kami ni Kuya sa labas para makapag-usap. Nang nasa labas na kami ay umupo kami sa rattan na upuan. Nilagay ko sa ibabaw ng mesa ang four slices of brownies na ginawa ko. Sinandal ni Kuya ang likod niya. Hinigop niya ang kape na tinimpla ko sa kanya. Malalim na ng-iisip si Kuya qt nakatingin siya sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya at hinintay ko siya magsalita. Kung hindi siya magsalita ako na ang magtanong sa kanya sa nangyayari. "Kuya napapansin ko lagi kang busy kahit si Levon gaya mo?" tanong ko. Tumikhim siya at muli niyang hinigop ang kanyang kape. Sinubo din niya ang ginawa ko na brownies. "Ang ama ni Kathy." "Anong nangyari sa ama ni Kathy?" tanong ko. "Naalala mo noong umalis kami ni Levon na biglaan. Pinuntahan namin ang lugar na pinagtatag

