Chapter 34 CRYSTAL Nakita kung mabilis mabilis na tumakbo na papalapit sa amin ang dalawang bodyguard ko. Sinabihan ko kasi sila huwag na nila akong samahan sa loob ng mall dahil hindi naman ako magtatagal. Nilingon pa ko ni Ate Kristina bago nila ako tinalikuran. Pero nagulat sila ng hatakin ng dalawang bodyguard ko ang braso ni Ate at Mommy palabas ng Mall. Hindi sila makagalaw dahil may binulong sila kay Mommy. "Ma'am huwag matigas ang ulo!" narinig ko na sabi ng bodyguard ko kay Ate. " Saan nyo sila dadalhin?" tanong ko. "Sa labas lang po ma'am, kami na po ang bahala. Sana po ma'am hindi ka naming hinayaan mag-isa sigurado na malalagot kami mamaya kay Sir Levon." Naawa tuloy ako sa dalawang bodyguard. "Huwag po kayong mag-alala ako na ang bahala kumausap kay Levon." "Salamat

