Chapter 83 CRYSTAL Halos patakbuhin ni Matias ang sasakyan makarating lang kami agad sa school na pinapasukan ng anak ko. Hinahawakan ni Levon ang kamay ko para pakalmahin ako. Natatakot kapag may mangyaring hindi maganda sa anak ko. "Sabihan mo so Matias na mas bilisan pa niya ang pagpapatakbo ng sasakyan!'' utos ko. Nanginginig ang boses ko. Mangyari na ang mangyari wag lang sa anak ko dahil hindi kayanin na may mangyaring masama. Parang bumalik sa akin ang nakaraan namin ni Vanessa noong ilang buwan pa lang siya sa sobrang takot ay hindi ko alam ang gagawin ko. Wala ako noon masandalan. Nahahalata ni Levon ang takot sa aking mukha. Tiningnan ko siya ng kakaiba pero agad ko rin naman binawi ang ganun na titig sa kanya kinabahan siya sa matapang na mata ko. "Sweetie," malambing na t

