Chapter 63 CRYSTAL Nakalunok ako ng malalim ng ilagay niya sa akin ang seatbelt. Pakiramdam ko parang nagwawala ang puso ko. Sinasadya niyang idikit ang ang labi niya sa pisngi ko. Ang masculine scent niya amoy na amoy ko tapos lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Halos maduling ako na mag salubong ang mga mata naming dalawa. Isang pulgada na lang magdikit ang mga labi namin. Ano ba itong nararamdaman ko lalo akong natataranta sa titigan naming dalawa. Tumikhim ako at tinatagan ko ang sarili ko. "Sorry," lumabas sa bibig niya parang pumasok sa ilong ko ang mainit na mabango niya na hininga. Bumalik siya umupo nakahinga na ako ng maluwag at umupo ako ng maayos. "Levon may kinalaman ka ba kung bakit na flat ang gulong ng sasakyan ko?" he nodded at nginitian niya ako. "Hirap mo kasi

