Chapter 69 CRYSTAL Tumayo ako ng makita kung paano umigting ang panga ni Levon. Palipat-lipat ang mata ko sa kanilang dalawa. ''Mr. Climente alam mo at alam ko kung ano ang pakay mo dito." Galit na boses ni Levon. Hindi nagustuhan ni Tito ang kilos ni Levon at pakikitungo sa kanya ni Levon. I know na hanggang ngayon ay wala pang alam si Levon na si Kathy ang kasabwat ni Katrina kung alam niya ito baka kung ano ang gawin ni Levon sa mag-ama. Baka hindi mapigilan ni Levon sa sarili na magawa siya kay Kathy katulad ng ginawa niya kay Katrina na muntik na niya ito mapatay ng kanyang kamay. "Get out here Mr. Clemente!" sigaw ni Levon. "Mr. De Vora, cross your limit, hindi tayo sa sarili mong kumpanya. Baka nakakalimutan at wala kang karapatan na paalisin ako dito." Sabi niya kay Levon.

