EPILOGUE LEVON DE VORA Nahihirapan akong mag move on sa unang babaeng minahal ko. Halos binigay ko lahat sa kanya. Minahal ko sya ng kahit busy ako sa aking trabaho ay may oras pa pa rin ako sa kanya. Pinakilala ko siya sa mga magulang ko kahit sa trip ko sa ibang bansa kasama ko siya. Naging miserable ang buhay ko ng malaman ko na may balak siyang makipaghiwalay na sa akin akala ko sapat na ako sa kanya, akala ko ok na siya sa akin. Akala ko siya na ang babaeng ihaharap ko sa altar, akala ko naibigay ko na ang lahat sa kanya pero may kulang pa rin ako para sa kanya na hindi ko alam kung ano. Lagi kong tinatanong sa isip ko hindi pa ba sapat ang pinapakita ko sa kanya at ipaparamdam ko sa kanya. "This is enough Levon, maghiwalay na tayo. Tama na mas makakabuti ito para sa ating

