Chapter 49 CRYSTAL Gabi na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakauwi si Levon. Hindi rin matawagan ang kanyang number kanina sabi niya ay hindi siya magtatagal sa labas. Tinawagan ko si Levent hindi niya rin daw alam kung nasaan ang kanyang Kuya. "Kung may alam ako ate, tatawagan kita pupuntahan ko siya sa bar na isa sa kanyang kaibigan." Sabi sa akin ni Levent. "Salamat Levent." Sabi ko. Mabuti ay nakatulog agad si Vanessa. Bumaba ako nakita ko si Manang Faye. Nilapitan ko siya pati rin siya ay nag-alala kay Levon ang ibang kasambahay ay sinaniban ko na sila na matulog dahil almost 11 pm in the evening na. "Hija, mabuti pa ay magpahinga ka na rin kanina ka pa na hindi mapakali. Baka mabinat kapapanganak mo lang." Sabi sa akin ni Manang Faye. "Maya-maya rin po manang aakyat din ako.

