Chapter 91 CRYSTAL Tinawag na ako ng isa kasambahay para bumaba. Ako na lang pala ang hinihintay ni Papa at Mama sa dining table. Naiinis kasi ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin kasi na mamanhikan si Levon sabi niya hiningin niya agad ang kamay ko sa magulang pero hanggang ngayon ay wala pa. "Anak bakit ang tagal mong bumaba nagugutom na kami." Sabi ni Mama hindi nagsalita si Papa. "Pasensya na po Ma, inayos ko po ang damit namin ni Hope." Saad ko kay Mama. "Pero bakit ganyan ang mukha mo?" "Bakit anong meron sa mukha ko Mama?" Parang binalik ko lang ang tanong sa akin ni Mama. "Wala naman hija, hindi kasi bagay sa'yo ang nakasimangot." "Baka ang hormones ko lang ito. Isa pa po i feel moody baka dahil sa pagdadalang tao ko." "Ganyan talaga yan anak lalo na sa susunod na

