“How did you know?”
Madilim at malamig ang naging tingin niya sa ‘kin. Pakiramdam ko ay nabibitin sa ere ang paghinga ko dahil sa sobrang kaba. His aura is making my knees jelly.
“I-Importante pa ba iyon, Hero?” nanginig ang boses ko sa kabila ng pagmamatapang.
Mas lalo akong kinain ng kaba ng umangat ang dulo ng labi niya. He smiled devilishly at me. I swallowed the lump in my throat. Hindi nagbago ang lamig at hindi malamang galit na paninitig niya sa akin. Hindi ko din naman iyon makwestiyon.
It’s normal, isn’t it? I knew his secret that’s why he’s acting like a demon in front of me.
“Kimberly Rizz Alvedo...” he said my name in a fluent devilish accent. “Gusto mong maging bed buddy kita. Nagpapatawa ka ba?”
“I am serious!” nilakasan ko ang loob ko. “I’m here asking you to accept me. I want to be your bed buddy... for real.”
Nanalangin ako na sana ay pumayag siya. Hindi ako natinag sa nakakakabang paninitig niya sa akin.. I asked him to accept me... I don’t even know how it works... Mabilis kong inalis ang pag-aalala sa isip ko. I reminded myself that this is the only option I have so that I can change him.
“Go away.” aniya at tinalikuran ako.
Hindi ko inaasahan ‘yon. Umawang ang labi ko habang naguguluhan siyang pinagmamasdan. I stepped forward and tried to say a word but I don’t even know what to say.
I bit my lowerlip. Kahit nakatalikod siya sa akin ay ramdam ko pa din ang karahasan sa tindig niya. Hindi siya ganito dati!
Bakit ko nga ba ulit ito ginagawa? Ah! Para ibalik iyong masayahing Hero. Kung iyong kapatid ko ay walang konsensya, pwes ako mayroon. Hindi ko maatim na may taong nagbabago at napapasama nang dahil sa katangahan ni Hyrie.
Kung kinakailangan, ako ang magtatama ng mga mali ng kambal ko. Ako na lang ang magtatama kay Hero.
“B-bakit ayaw mo? Dahil ba kapatid ko ang nanakit sa d-damdamin mo noon?”
This is my only shot. Kung hindi siya papayag ay paano ko siya matutulungang magbago? I must convince him to accept me! Kung kailangan kong saktan ang pride niya ay gagawin ko!
“Huwag kang nagtatamang hinala. Walang kinalaman ang kambal mo dito,” seryoso niyang sabi habang nakatingin sa malawak na campus mula sa kinatatayuan niya.
“Kung ganoon, bakit ayaw mo akong maging bed buddy mo? Tapos na kayo ni Shamielle. Kailangan mo na ulit ng bago. A-ako na lang!”
Napapitlag ako sa kinatatayuan nang lingunin niya ako. Nagpamulsa ito at pinasadahan ng kamay ang kulay mais na buhok.
“What exactly do you want from me, Kimberly?”
Gusto ko lang na ibalik ka sa dati. Iyon lang naman at wala ng iba. Gusto kong bumalik ka sa dating ikaw...
“Gusto ko? I want you to help me, Hero.”
Iyon nga lang, hindi ko pwedeng sabihin ang tunay kong pakay sa ‘yo.
“Help you with what?” he asked me curiously.
Naningkit ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Lumunok ako at nagpasyang magsinungaling sa ngayon.
“Gusto kong...” I paused. Kaya mo ito, Kimbely! “Gusto kong tulungan mo ako na may... mapatunayan kay Hyrie.”
I lied. I just lied. This is wrong but I don’t have any choice.
He smirked.
“Kung may problema ka sa kambal mo, wala na akong pakialam doon. Hindi mo dapat ginagamit ang ibang tao para lang may mapatunayan ka kay Hyrie. Labas ako diyan kaya itigil mo na ito, Kimberly.” tanging nasabi niya at pagkatapos ay nilagpasan ako.
He walked out and left me hanging here, rejected.
Doon palang ako nakahinga ng maayos. Pakiramdam ko ay lalamunin ako ng kaba at takot kanina. Huminga ako ng malalim. Mukhang mahihirapan nga ako kay Hero. Paano kaya ito? He isn’t buying my reason. Hindi ba ako convincing o talagang ayaw niya sa akin?
Buong araw kong inisip ang mga sinabi ni Hero. Natapos na lang ang huling subject para sa araw na ‘to na lutang ang isip ko. Hindi ko alam kung paano mapapapayag si Hero sa gusto kong mangyari. Hindi tumalab pagsisinungaling ko. Pero sa isang banda, gusto ko yung rason na ibinigay ko sa kanya.
Hyrie and I are not in good terms. Aminado akong hindi maganda ang ugali ng kambal ko. Hindi ko maatim na marami siyang nasasaktan. Madalas na ako ang nagtatakip sa mga kalokohan niya. Ngunit sa huli, ako pa din ang lumalabas na mali sa mga magulang namin. Binabaliktad niya ‘ko kahit na pinagtatakpan ko siya. Ganoon siya sa akin...
“Huy, Kim! Wala kang sundo, ‘di ba? Gusto mo sabay ka na sa ‘kin?" tanong sa akin ni Sandy nang matapos ang klase namin.
Nagpapasalamat ako at hindi na ako masyadong inusisa ni Sandy. Alam ko naman nagtataka siya sa pagkawala ko kanina pero hindi na siya nagtanong ng kung anu ano. Mabuti na lang din na ganoon dahil hindi ko alam kung kaya ko bang sagutin ang mga tanong niya.
“Totoo ba, Sandy? Ihahatid mo ako sa bahay namin?” I asked and tried to do a puppy eyes.
Nagtaas lang ito ng kilay sa akin.
“You should try to use contact lens, Kim. Masyadong makapal ang lente ng eyeglasses mo. Ang ganda pa naman sana ng mga mata mo.” komento niya habang pinapasok sa loob ng bag niya ang mga modules.
“Bulag ako kapag walang salamin, Sandy.” saad ko at ngumuso. Lagi na lang niyang napapansin ang eyeglasses ko.
“Kaya nga ang sabi ko ay magcontact lens ka. Nalalagyan naman iyon ng grado. Sayang ang ganda mo, girl.” aniya at inirapan ako. “Anyway, may dadaanan lang ako sa CAS office. Mauna ka na sa parking space, okay?”
Marahan akong tumango ako. “Sige.”
Sabay kaming lumabas ng classroom. Dumiretso siya sa CAS office samantalang tinahak ko naman ang daan papuntang parking space. Maraming mga estudyante ang pauwi na rin. Nagkukulay kahel na ang kalangitan, senyales ng papalubog na araw. Tahimik lang akong naglalakad at nag-iisip ng plano para kay Hero.
Nang marating ang parking space ay hinanap ko agad ang kotse ni Sandy. Kaya lang ay bago pa ako makalapit doon ay bigla na lang may humatak sa akin at isang mabigat na sampal na agad ang naramdaman ko sa aking kaliwang pisngi.
Ramdam ko ang nanunuot na sakit sa pisngi ko. Gulat na gulat ako sa nangyari na hindi ako nakagalaw agad. I felt the urge to cry and strangle who slapped me but I don’t have the courage to do it.
“Why did you do that, Kimberly?!” sigaw sa ‘kin ng pamilyar na boses.
And there, I saw Hyrie standing right in front of me, looking so angry as hell at me for a reason I don’t even know.
“Did what, Hyrie?” I asked and stared at her blankly.
Hindi pa man nakakabawi sa unang sampal ay dumapo na naman ang mabigat niyang kamay sa kanang pisngi ko. Sa gulat ko ay hindi na ako nakagalaw.
Nararamdaman ko ang sakit sa mukha ko. She slapped me twice for what reason? I don’t understand...
“Kakambal mo ‘ko! Bakit mo ‘ko sinumbong kila Daddy?” galit niyang sigaw sa ‘kin.
“Sinumbong? Hyrie, alam mong hindi ko—”
Pinakamalakas na sampal pa sa kaliwa kong pisngi ang natanggap ko mula sa kanya. Napasinghap ako. Ang hapdi ng mga pisngi ko pero mas masakit ang nararamdaman ng kalooban ko sa ginagawa niya sa akin ngayon.
Bakit, Hyrie? What did I do for you to hurt me like this?
“Liar! You ruined everything!”
Hindi ko magawang igalaw ang ulo ko para matitigan siya. I tried so hard to calm myself. Ayoko siyang patulan. Mali itong ginagawa niya pero dahil kambal ko siya ay gusto ko maunawaan. Did I upset her so much?
She’s breathing heavily. Kita ko ang marahas na pagtaas-baba ng kanyang dibdib dahil sa galit. Nang makabawi ay doon ko lamang siya binalingan ng tingin. Hindi ko maiwasang tignan siya ng mapait.
“Tapos ka na? Bigla ka na lang manunugod at mananampal. How rude of you, Hyrie! Ito pa ba ang ganti mo sa lahat ng pabor na ginawa ko sa ‘yo? Sarili mong kapatid ay sinasaktan mo?” pahayag ko sa nasasaktan na tono.
“Dapat lang sa ‘yo iyan!” depensa niya.
Hindi ko napigilan ang matabang na pagngisi. I can’tt believe that she attacked me without giving me a valid reason at all.
Napayuko ako nang umamba siya para sampalin ako ulit. Kaya lang ay bago pa dumapo ang palad niya sa mukha ko ay isang pamilyar na boses ang pumagitna sa amin.
“Stop.”
Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko na hawak ni Hero ang kamay ni Hyrie na nasa ere. Blangko niya akong pinagmasdan.
“Hero...” Hyrie called him softly.
“Don't hurt her.” maawtoridad na wika nito at binitiwan ang kamay ni Hyrie.
“Hero, huwag ka ngang makialam dito!” she bravely told him.
Malamig ang titig na binigay sa kanya ni Hero. Napapitlag pa ako nang maramdaman ang kamay nitong humawak sa palapulsuhan ko. Umawang ang labi ko nang hilahin niya ako palayo kay Hyrie.
Naghuramentado ang puso ko. Nalingunan ko pa ang naguguluhang mukha ni Hyrie habang sinusundan kami ng tingin ni Hero. Nagulat ako nang sapilitan niya akong pinapasok sa front seat ng sarili niyang kotse.
“B-bakit mo ako dinala dito?” kuryoso at naguguluhan kong tanong nang makapasok siya sa driver’s seat.
I swallowed hard. Ramdam ko pa din ang hapdi ng mga pisngi ko pero hindi ko na ininda pa iyon. I want to understand what just happened.
Hyrie attacked me, then Hero grabbed me and took me away from her. Why?
“To save you from her attacks.”
“B-bakit?”
“Why? Would you like her to attack you until your cheeks are swollen and wounded?” he said, pissed off.
Hindi na ‘ko nakasagot at nagpasya na lang manahimik. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Sa huli, nagpasalamat ako dahil dumating siya at inawat ang kambal ko. Hindi ko alam kung ano pang kayang gawin ni Hyrie sa akin kung hindi dumating si Hero.
Hindi ko naman kinapopootan si Hyrie pero mali ang ginawa niyang ‘yon...
“I'll help you,” saad ni Hero matapos ang ilang minutong katahimikan.
“H-huh?”
He’ll what?
Bumaling siya sa akin at maingat akong pinagmasdan. “Ang sabi mo ay gusto mong may mapatunayan kay Hyrie. I’ll help you with it, Kimberly. I’ll do what you want to happen and in return, you will be my bed buddy.”
Laglag panga ko siyang tinitigan. Hindi ko alam bakit nawala na lang bigla ang kaba sa dibdib ko. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig at ngayo’y nahimasmasan na sa kaba.
Hindi ako makapaniwala...
“Seryoso ka?” tanong ko pa, pagkukumpirma ng mga sinabi niya.
“You heard me.”
Hala! Pumayag na si Hero!