Chapter 4 - Don't Cry

2561 Words
Bakas ang ngiti sa mukha ko nang makauwi ng gabing ‘yon. Hindi pa din ako makapaniwala. Hero Jun Montesilva has finally accepted me to be his next bed buddy. Mas naging buo ang loob ko para sa aking plano. This is a little progress to complete my plan. Aminado ako na isang katangahan ang ginagawa ko pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Kailangan kong makipaglaro para ayusin ang lahat ng ‘to. Para kay Hero at para rin magsilbing aral kay Hyrie. “Anong nangyari sa mga pisngi mo? Bakit namamaga?” ani Kuya Reid nang pumasok ako ng bahay. Agad niya akong nilapitan at hinaplos ang mga pisngi kong walang awang pinagdiskitahan ni Hyrie. Napatingin ako sa pamilyar na taong pababa ng aming hagdan. Si Hyrie. Tinignan niya agad naman ako ng masama. “Kimberly, tell me! What happened to your face? Sino na naman ba ang nangbully sa ‘yo?” nag-aalalang tanong ni Kuya. Kung alam lang niya. Hyrie did this to me because of an invalid reason I am not even aware of. “Wala ‘to, kuya Reid. Natamaan lang ako ng bola sa mukha kanina noong nasa soccer field ako. Hindi na ‘ko nakailag.” pagsisinungaling ko. Gusto kong umamin sa nangyari kanina. Kaya lang isipin ko palang na magagalit ng sobra sila Daddy, Mommy at Kuya Reid kay Hyrie ay tumitiklop na ‘ko. I don’t want it to happen. “Oh, bad! Sa susunod kasi ay mag-ingat ka. Tuloy ay nasasaktan ka,” komento ni Hyrie nang makalapit siya sa amin ni Kuya Reid. “Nag-iingat naman ako, Hyrie. P-pasensya na...” “Kawawa naman ang kambal ko.” she faked her face expression, making it look so worried about me. “Tulungan kitang gamutin ang mga ‘yan para hindi na lumala.” Huminga ako ng malalim. Hindi ako makapaniwala na kaya niyang magpanggap sa harapan ko, higit sa lahat ay lokohin ang kuya namin. Bakit pa nga ba ako aasa na magsasabi siya ng kasalanan niya? “Ikaw na ang bahala sa kambal mo, Hyrie.” ani kuya at pagkatapos ay bumaling muli sa akin. “Kimberly, sigurado kang ayos ka lang?” Tanging pagtango ang naging pagtugon ko. I smiled a bit to assured him that I am totally fine. Nauna akong naglakad paakyat ng kwarto samantalang si Hyrie naman ay nakasunod lang sa akin. Hindi pa klaro sa akin kung bakit niya ‘ko sinaktan pero isa lang ang alam ko, masama ang loob ko sa nangyari. Hindi man lang siya huminga ng tawad... Nagsinungaling pa siya sa harap ni kuya Reid. “Kailangan natin ng yelo para diyan,” aniya nang makapasok kami ng kwarto ko. “Pwede ba, Hyrie. Kung nagi-guilty ka, mag-sorry ka na lang.” tanging nasabi ko. Kita ko kung paano tumalim ang pagkakatitig niya sa ‘kin. I know that she doesn’t want to apologize. Tinalikuran ko siya at papasok na sana sa banyo pero nagsalita pa ulit ‘to. “Sa tingin mo ba ay gagawin ko ‘yon ng walang dahilan? Sinumbong mo ako kay Daddy! He knows that I am using your credit card because you told him!” I can’t believe that she’d attack me just what she did earlier because of this nonsense reason. Umahon ang inis sa kalooban ko. Nilingon ko siya, patuloy na kinokontrol ang emosyon ko dahil ayokong makasakit ng isang kapatid. “Ganyan ba talaga kababaw ang tingin mo sa akin, Hy? Sa lahat ng sinabi at pinagawa mo sa akin, may nalaman ba sila? Wala, ‘di ba? Huwag mo ‘kong sisihin ngayon dahil hindi ko alam ang pinagsasabi mo.” “Mapang-akusa ang paninitig niya sa akin. Tila ba hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko. Hindi ko na problema kung hindi man niya ako paniwalaan. Ang mahalaga sa akin ay alam kong wala akong ginawang maaari niyang ikapahamak. “Saan kayo nagpunta ni Hero?” galit man ay kuryoso ang naging tono niya. Nag-iwas ako ng tingin. Sabi ko na nga ba ay itatanong niya ‘yon. Naalala ko ang gulat sa mga mata niya nang awatin siya ni Hero kanina. She was shocked even when Hero dragged me all of a sudden. “Somewhere.” “Kimberly, I‘m warning you...” nanginig sa poot ang kanyang boses. Kumunot ang noo ko. Bumaling ako sa kanya at nakitang mas mainit ang ulo niya sa akin ngayong si Hero ang pinag-uusapan. Bakit? Hindi ba dapat ay wala na siyang pakialam? “May usapan tayo! You can’t date my exes, remember? We promised it to each other!” giit niya habang nanginginig ang boses sa dahilang hindi ko maunawaan. Naaalala ko ang mga pangakong ‘yon, noong highschool kami. Oo nga pala... Kaya lang ay hindi naman siya naging mabuti sa akin at sa kapwa niya. I have to break my promise as I want to correct her mistakes. I have to break my promise so I can do my plan and change Hero. “I know, Hyrie. But I’m breaking my promise now. Si Hero? Sinaktan mo naman siya, ‘di ba? Hindi mo siya pinahalagahan noon, iniwan mo pa nga. Kung saan man kami nagpunta, it’s none of your business. Kung ako sa iyo, iintindihin ko na lang ‘yong dapat kong ipaliwanag kay Daddy. Get out of my room now, Hyrie.” tinalikuran ko siya at pumasok na ng restroom. Narinig ko pa ang padabog niyang pagsara ng pinto. Well, that’s Hyrie. Mahal na mahal ko kambal ko, pero kailangan ko ng gumawa ng aksyon para putulin ang mga sungay niya. Humarap ako sa salamin. Depina ang pamumula at pamamaga ng mga pisngi ko. Iniipit ko ang takas na mga buhok sa aking tainga at bahagyang hinawakan ang kanang pisngi. May kaunting sakit pero kaya ko namang tiisin. Sa kabila ng mga nangyaring masasama sa araw na ‘to at kahit na masakit ang mga pisngi ko ay hindi ko napigilan ang pagngiti habang tinitignan ang sarili sa salamin. “Pumayag na siya...” Ang saya ko! Magkakaroon na ‘ko ng pagkakataon na ibalik ang dating Hero Jun Montesilva... Iyong dating siya na hindi pinaglalaruan ang mga puso ng mga babaeng nakakasalamuha niya. Iyong matulungin at masiyahin. Hindi ko maipaliwanag ang saya ko ngayong alam kong malaki ang tsansa na makikita ko ulit iyong dating Hero. Highschool life... Ang sabi ng iba ay iyon daw ang pinakamasayang parte ng pag-aaral pero hindi ko naman ramdam. Kabaligtaran ang naranasan ko kumpara sa mga sinasabi ng ibang highschool students na masaya daw kapag tumuntong na ng highschool. Kung masaya nga, bakit lagi akong binubully sa school namin? Ang nerd ko daw... Lampa... Pangit... Halos lahat ng pang-iinsulto ay naranasan ko nitong mag-highschool ako. Nakakalungkot dahil walang gustong makipagkaibigan sa akin. Madalas pa akong may sugat sa kung saang parte ng katawan dahil imbis na kaibiganin ay inaaway ako ng mga kaklase kong babae. Ayos lang sa akin. Si Hyrie lang ang kailangan ko. Siya ang kambal at kaibigan ko. Siya lang ay ayos na. Kapag umiiyak ako ay pinatatahan niya ‘ko. Kapag inaaway ako ay pinagtatanggol niya ‘ko. Kapag malungkot ako ay binibilhan niya ako ng strawberry cheesecake ice cream para sumaya ‘ko. Sabi ko sa sarili ko, hindi ko na kakailanganin ng iba pang kaibigan. Sapat na ang kambal ko na laging nariyan upang damayan ako. I love my twin sister so much... Lahat ay gagawin ko para sa kanya gaya ng lahat ay kaya niyang gawin para sa akin. It was our first year in Highschool when she introduced me to her boyfriend, Hero Jun Montesilva. Ang sikat na basketball player ng Crossville Academy. Mabait ang boyfriend niya. Sa tuwing nakikita ko silang magkasama ay natutuwa ako. Hero is a kind person, thoughtful, jolly and he loves my twin sister more than himself. Kahit sa akin, mabait ito at hindi ko naramdaman ang pagkahiya sa kanya dahil palakaibigan siya. Isang araw ay sinundo ako ni Hyrie sa hideout ko, sa rooftop. Doon ako lagi kumakain tuwing break at lunch time. Doon lang naman tahimik at siguradong walang mang-aalipusta sa akin. "Kimberly! May ipapakita ako sa ‘yo!" masaya niyang sabi at pagkatapos ay hinila ako palabas ng rooftop. Hila-hila niya ang kamay ko at nagpatianod na lang ako kahit walang ideya sa sinasabi ng kambal ko. Narating namin ang soccer field kung saan kasalukuyang may naglalaro ng soccer. Mainit ang hapon na ‘yon. Gamit ang braso ay nagpunas ako ng pawis sa aking noo. "Anong mayroon, Hy?" Sinundan ko ang mga mata ni Hyrie. She’s looking at someone on the soccer field. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang pagkaexcite niya sa kung ano. “Tignan mo, oh! Ang gwapo noong lalaking nakajersey na number 8!” sabay turo niya sa isang lalaki. Napatingin ako sa tinuro niya. Inayos ko pa ang salamin ko para makita ko ng maayos. Parang walang kahirap hirap kung sipain ng lalaking iyon ang bola. Nang magkapuntos ay nakipag-apiran siya sa isang kalaro. Pinasadahan niya ng kanyang kamay ang kulay itim na buhok. He glanced our way and smiled. Ang gwapo... Umawang ang labi ko at nag-iwas ng tingin. Nakita niya kayang nakatitig ako ng husto sa kanya? Nakakahiya! Sa unang pagkakataon sa buhay ko ay nagsimula akong magkacrush sa isang lalaki. Hindi dumaan ang isang araw na hindi ako napapadpad sa soccer field para panoorin siyang maglaro. That guy with the jersey of number 8. Isa sa pinakaayokong araw ay kapag nakikita ako ng mga bully kong kaklase. Kagaya ng madalas mangyari kapag nakikita nila ako, hindi sila tumitigil sa pag-iinsulto sa akin. “Pangit! Pangit!” “Sadako!”       “You’re such a nerd!” “Hindi ka bagay sa klase na ‘to! Isa ka lang jinx!” Pinagbabato nila ‘ko ng mga nilamukot nilang papel. Naiiyak ako habang nakayuko sa aking desk. Nasaan si Hyrie? Natatakot ako sa mga kaklase ko. Pakiramdam ko ay kayang kaya nila akong saktan. Bawat tukso nila sa ‘kin, nanunuot ‘yon sa isip ko. Masakit sa dibdib pero hindi ko kayang lumaban. Gustuhin ko man, wala akong lakas ng loob. Mas lalo kong niyuko ang ulo ko at napahikbi. “What the hell are  you all doing? Stop bullying her!” a male voice echoed in the whole room. Natigil ang mga papel na binabato sa akin. Sunod sunod ang pagpatak ng luha ko. I heard footsteps towards me. Nagulat  na lang ako nang may panyong tumambad sa aking harapan. Nang mag-angat ako ng tingin ay ang maamong mukha ni number 8 ang bumungad sa akin. Napatulala ako sa kanya. A-anong ginagawa niya dito? “Wala na. Hindi ka na nila sasaktan.”  he said and smiled at me. Pakiramdam ko ay hinahaplos ang puso ko. This guy saved me. This guy... who’s my first crush protected me... “My name is Mark. You are Kimberly, right?” What? Kilala niya ako? Napatango ako kahit gulat pa din sa nangyayari. “Got 'ya.” He flashed his smile at me. Nang dahil doon ay mas naging depina ang paghanga ko sa kanya. Lumipas ang mga araw. Sa bawat pang-aaway ng mga kaklase ko ay laging may Mark Montemayor na nagtatanggol sa akin. Sa sobrang saya ay parang lumulutang ang puso ko. Lagi niya akong kinakamusta, sinasamahan at hinahatid sa main gate. Dahil doon ay nagustuhan ko siya. Siya na yata ang first love ko. Kaya lang, mabilis din natapos ang kasiyahan. Akala ko ay magiging maganda na ang buhay eskwela ko kaya lang ay nagkamali ako. Gumuho ang mundo ko nang magtapat siya sa ‘kin. “Hindi kita gusto. Sorry kung akala mo ay gusto kita. Inutusan lang ako ni Hyrie na ipagtanggol ka palagi. Ayaw ka kasing nasasaktan ng kambal mo. Ginagawa ko lang ito dahil gusto ko ang kambal mo. Gusto kong mapansin niya ako.” Napatakbo ako sa rooftop at doon hinayaan ang sariling mabasag. Sa unang pagkakataon sa buhay ko ay umiyak ako dahil sa isang lalaki. Bakit ganoon? Minsan na nga lang ako magkagusto sa isang lalaki pagkatapos ay masisira lang... Utos lang pala ni Hyrie ang lahat? Ang sakit... Bakit sa kapatid ko pa, Mark? “A-ayoko na.” napaupo ako, niyakap ang mga tuhod habang umiiyak. “Umayos ka nga ng upo. Nakikita ko na ang underwear mo.” sabi ng isang pamilyar na boses. Sa gulat ay bigla akong napabagsak sa sahig. Nag-angat ako ng tingin sa lalaking nakalapit na sa akin. “Hero...” “Bakit ka umiiyak, Kimberly?” Umiling ako. “B-basta...” Naupo siya sa harap ko at pagkatapos ay pinunasan ang mga luha ko sa pisngi gamit ang kanyang hinlalaki. “Don’t cry. It makes you ugly.” sabi niya habang nakangiti. “H-hindi ako gusto ng lalaking gusto ko, Hero. Ang sakit...”  hindi ko napigilan ang sunod sunod na pagpatak ng mga luha ko. “Na-reject ka?”  aniya at humagalpak ng tawa. “Walang nakakatawa!” hasik ko sa kanya at mas lalong naiyak. Napakamot siya ng ulo. Agad din ‘tong tumigil sa pagtawa at tumitig ng seryoso sa ‘kin. “Sorry, Kimberly.” he sighed heavily. “Tahan na. Huwag mo ng iyakan ‘yon.” “P-pero ang sakit kasi...” “Hindi mo dapat siya iniiyakan. Hindi ka dapat nagpapaapekto sa mga taong hindi naman dapat makaapekto sa ‘yo.” Napatigil ako sa pag-iyak. Umangat ang dulo ng labi niya. "Alam mo, kung mahal ka ng isang tao, hindi ka niya sasaktan. Nasasaktan ka ngayon kasi hindi ka niya gusto pero naisip mo ba na baka hindi naman talaga siya ang lalaking karapat dapat para sa ‘yo?” “G-ganon?” He nodded. “Stop crying. Iyakan mo lang ang lalaking karapat dapat sa mga luha mo.” Tumayo ito. Pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko para maitayo rin ako. “Men are tough. But you know what? We will cry for the girls we really love...” “W-what do you mean?” hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko sa ulo. “Just love the first man who will cry and tell that he loves you, Kimberly,” aniya at nilagpasan ako. Nilingon ko siya habang naguguluhan. Akala ko’y aalis na siya ngunit bigla siyang huminto sa paglalakad at nilingon ako. “By the way, you’re wearing a nice underwear. You love Spongebob that much, huh?” Nagulat ako sa sinabi niya. Nag-init ang mukha ko at biglang nakaramdam ng matinding pagkapahiya. “Ang manyak mo, Hero!” Tumawa lang ito at pagkatapos ay iniwan na akong mag-isa sa lugar na ‘yon.   Nakakatuwa ang mga alaalang ‘yon. Malaki ang tinulong ng mga sinabi ni Hero sa ‘kin noong araw na ‘yon. Hindi ko man naintindihan ang mga sinabi niya noon ay nagawa kong mapagtanto ang mga salitang binitawan niya. It helped me... That was our first serious conversation. Nag-iba lang siya nang lokohin siya ng kambal ko. Lagi kong tinatama ang mga pagkakamali ni Hyrie. Lulubusin ko lang... Pati si Hero ay itatama ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD