“Okay pa ba tayo?” Tanong ni Eich sa akin nang magkita kami ngayon dito sa Crossville University. Kagaya nga ng pinangako ko sa sarili ko ay nakipagkita ako sa kanya. Pinili ko na lang na dito siya kausapin dahil gusto ko ring mabisita ang University. Umupo kami sa bench malapit sa open field kung saan may nagpapractice ng cheering squad. Saglit kong naalala si Hyrie habang pinagmamasdan ko ang leader ng squad. Dito nagsimula ang lahat. Ang misyon ko dati... ang paghabol ko kay Hero... ang mga away namin ng kambal ko... Masasabi kong ang University na ‘to ang nakakita sa lahat ng mga nangyari na nagturo sa ‘kin ng isang bagay; maging totoo. “Kimberly...” Bumaling ako kay Eich. Halata sa mukha niya ang pag-aalala. Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Hindi ko rin alam kung

