Chapter 48 - I Love You

2701 Words

Sa elevator palang ay kinakabahan na ako. Ngayon na ang araw ng pakikipagkita ko kay Hero. Hindi ko alam kung paano pakakalmahin ang sarili ko. Nandito na ko sa pamilyar na condominium building. Huminga ako ng malalim habang hinihintay ang pagbubukas ng elevator. Kung iisipin ay ngayon na lang pala ulit ako nakapunta dito. Walang pinagbago. Bumukas na ang elevator. Lumabas ako dito at naglakad sa daan papuntang unit niya. Mabagal ang paglalakad ko dahil hindi ko maisip kung ano ba ang dapat kong sabihin kapag nasa harap ko na siya. Ano nga ba ang tamang salitang dapat kong sabihin? Paano ako magsisimula? Habang palapit ako ng palapit ay mas lalong lumalakas ang pagtibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay nasa lalamunan ko na ang puso ko kaya't nahihirapan akong huminga. Kimberly, tama ba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD