Tuyo na ang mga luhang naiwan sa pisngi ko. Habang nakaupo sa sahig at nakayakap sa mga tuhod, hindi ko maiwasang alalahanin ang mga nangyari kanina... ang mga nalaman ko. Nakaramdam ako ng sakit at panginginig ng laman sa loob-loob ko. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala. Hanggang ngayon parang balang pauulit-ulit na tumatama sa dibdib ko ang mga salitang binitawan ng kambal ko. Hanggang ngayon ay hindi ko matanggap... Hindi ko yata matatanggap. Si Hyrie... Sa lahat ng tao bakit siya pa? Bakit ang kambal ko pa? Anong kasalanan niya para mag-hirap ng gano’n sa loob ng ilang taon? Anong nagawa niya para mangyari sa kanya ‘yon? Parang pinipiga ang puso ko... Bakit nangyari iyon sa kambal ko? Nangilid muli ang mga luha ko nang maalala ko ang mukha ng kakambal ko kanina. Naghihira

