“Ano, miss sasakay ka ba? Paalis na ang barko.” Napapitlag ako sa sigaw sa akin ng lalakeng taga-tawag ng pasahero. Nakahabol pa ako sa huling byahe papuntang Manila. Mahigpit ang hawak ko sa cellphone at wallet na ibinigay sa akin ni Ada kanina nang ihakbang ko ang aking mga paa papasok. “Dumaan ka sa likuran, pagkalabas mo ay siguraduhin mong makakalayo ka kaagad dahil sigurado akong makakatunog agad si Art na nakatakas ka. Itong wallet na ito ay para may pamasahe ka. Humanap ka ng masasakyan at magpahatid ka sa pier. I’m sure makakahabol ka pa sa last trip to Manila.” “Salamat, Ada. Maraming salamat.” “Take this phone also. You might need it. And by the way, alam ko ang numero na iyan. May utang kang eksplinasyon sa akin, Marga. I hope you didn’t forget.” Napabuntong hininga ako h

