“B-bakit?” Sa nanlalabong mga mata ay tanong ko. Ang mga luhang namumuo sa aking mga mata ay unti-unting winawala ang paningin ko kay Nikolai. “Dahil gusto ka niyang takutin. She want you to be scared para pagdating ng panahon ay wala ka ng ibang magagawa kung 'di ang pumirma sa lahat ng papeles na papapirmahan niya.” “Bakit niya ginagawa ito? We’re family. Pamangkin niya ako.” Dahan-dahang umiling si Nikolai dahilan upang mangunot ang aking noo. “W-what is that?” “Again, she never think of you as her family. Malaki ang galit niya sa mga Ruiz, Miss Marga. Hindi siya tunay na Ruiz at inampon lang ng lolo mo. Hindi siya itinuring na kapatid ng daddy mo kaya siya galit na galit dito.” Humugot ako ng malalim na hininga. So Attorney Allan was right. “Is that why she shot my father

