“Anong ginagawa ng lalaking iyan dito?” Mabilis na tumayo si Nikolai at sinigawan ako. “Nikolai…” Nangangapa ako ng mga salita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Art crossed his arms at sumandal siya sa dingding malapit sa CR. “Dude,” namamangha pero sarkastikong ngisi ang kumawala sa labi ni Nikolai. “Uhh…” Hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko. Jusko! “Dito ako matutulog,” kalmadong sabi ni Art. “What the! Marga?” Nilingon ako ni Nikolai, and now, miss was no longer used in the sentence. “Nikolai kasi-” “I am Marga’s boyfriend. I am Art,” pagpapakilala ni Art sa sarili niya. “Alam ba ito ng auntie mo, Miss Marga?” “Ikaw? Bodyguard ka lang naman ‘di ba? Bakit dito ka matutulog?” Nikolai stiffened. Nakita ko pa ang pagtiim-bagang niya bago niya pinulot ang long sleev

