Kabanata 4 - Comfort

1998 Words
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang narinig ko iyon. Hindi ko alam na may panganib pa rin palang naghihintay sa akin dito. Nilukob ako ng kaba. "That day…" Nagsimula siyang maglakad kaya agad akong sumabay. "When you arrived, may natanggap kaming tip na maaaring aabangan nila ang iyong pagdating. Kaya iyong bulletproof na sasakyan ang ipinagamit ko sa iyo." Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. "Tapatin mo ako, Miss Marga. Did something happened? Nakita ko ang mga tama ng baril sa likurang bahagi ng sasakyan. Saan ka nanggaling noong araw na iyon?" Natigilan ako at napaawang ang labi. Kakikitaan ng galit ang mga mata ni Nikolai habang nakatingin siya sa akin. Kinabahan ako sa paraan ng pagtitig niya pero sinubukan kong huwag iyon ipahalata. "Sa mall. I tried to stroll around. At hindi ko alam ang sinasabi mong may tama ng baril ang sasakyan ko. How did it happened, Nikolai? My God! Paano kung nasa loob ako ng sasakyan habang pinagbababaril iyon?" Nagsimula akong maglakad. Wala akong nakuhang sagot mula kay Nikolai. Nang nakababa kami sa sala ay may nag served agad sa akin ng isang champagne. Kinuha ko ang flute at binitbit ko iyon habang naglalakad-lakad. Isa-isa kong pinapanuod ang pagsusugal na ginagawa ng mga tao namin. May billiard hall sa kaliwang parte ng sala. My eyes are fixed on the rectangular table. And then a memory, like a thunder, flashed in my mind. "Is that it, Rita? Iyon lang ang kaya mo?" natatawang tanong ni Ate Princess matapos ng pangalawang game namin at siya pa rin ang panalo. Napabuntonghininga ako at saka ibinagsak ang stick. "That's it. I guess I have no choice but to accept that fact, Ate Princess, it is you who always win. Humalakhak siya at saka ako inakbayan. "Let's go get some sweets na lang. I'm craving." Naipilig ko ang aking ulo sa munting alaala na sumagi sa aking isipan. We used to be so close. If it's not with this f*****g organization... "Are you okay?" Naramdaman ko ang hawak ni Nikolai sa aking siko kaya mabilis akong nag angat ng tingin sa kanya. "Yeah…" sabay inom ko sa flute na hawak. Inisang lagok ko ang laman niyon bago ko ibinaba sa table malapit sa akin. "Let's go. Ihatid mo na ako pabalik sa bahay," sabi ko at nauna nang maglakad palabas ng mansion. Pagkalabas, bago ako sumakay ng sasakyan ay muli ko pang nilingon ang mansion kung saan, ang alam ko, ako ipinanganak. Darating din ang panahon na mawawala ito sa lugar na ito. Darating ang panahon na maglalaho ito kasabay ng organisasyong itinayo ni Daddy. Ngayon palang, ay hinihingi ko na ang iyong kapatawaran, Dad. I'm sorry, pero hindi ko kayang hayaang nakatayo ito at patuloy na kumikitil ng buhay. Hindi ko kayang makakita ng mga batang maagang iniwan ng kanilang mga magulang dahil sa mga ganitong organisasyon. Kailangan kong itigil ito sa lalong madaling panahon. Pagkarating sa bahay ay muling bumaba si Nikolai upang pagbuksan ako ng pintuan. "Ihatid mo dito ang sasakyan ko mamaya, Nikolai," utos ko pagkababa. Agad siyang napatitig sa akin. Ang kanyang mga mata ay tila naninimbang. Nagtaas ako ng isang kilay. "What?" Umigting pa ang kanyang panga bago siya umiling at agad na nag iwas ng tingin. "Aalis na po ako." Pinanood ko pa ang kanyang pag alis bago ako nagdesisyong pumasok sa loob ng bahay. Pipihit na sana ako paharap sa bahay pero natigilan ako at napataas ang aking mga kilay nang nakita ko ang kapitbahay kong nakahalukipkip sa labas ng kanyang gate. I now wonder… Mag isa lang ba siya sa bahay niya? "Boyfriend mo?" tanong niya. I hope so. Agad akong umiling. "Nope." Ngumiti siya at tumango sa akin. Is this how Filipinos acted on their neighbors? Feeling close? I just think, private iyong naging tanong niya. "I'm Art by the way," aniya at tumuwid ng tayo mula sa pagkakasandal sa kanyang gate. Tipid akong ngumiti. Sa huling naaalala ko ay malaki amg galit sa akin ng lalakeng ito. Well, that is because kamuntikan ko na siyang masagasaan. Kaya nagtataka ako kung bakit parang friendly siyang makitungo sa akin ngayon. "I'm Marga." Tumango siya. "Ikaw lang mag isa sa bahay mo?" tanong niya. Bahagyang namilog ang aking mga mata. Bakit niya itinatanong? Omg! Baka may balak siyang masama sa akin? "Uhh…" Now, I don't know how to answer his question. Baka kasi masamang tao hindi ba? Tita told me na marami raw masasamang loob dito, and that I should be careful. "Oh! Am I asking too much?" Binasa niya ang kanyang labi, pagkatapos ay pinatunog na ang kanyang itim na cabriolet na naka-park sa gilid. "Gusto mong sumabay?" Nangunot ang aking noo. Natawa siya matapos ang ilang sandali na walang nakuhang tugon sa akin. "Mag l-lunch ako sa labas. I-t-treat na rin sana kita. Pa-thank you ko sa'yo for mending my wounds the last time." Napakagat ako sa aking labi. Should I come? He was just being nice. At isa pa, wala akong kakilala dito sa Pilipinas. Okay lang naman sigurong maging friendly hindi ba? Napabuntonghininga ako. He was waiting for me to decide. "Ano na?" Ngumuso ako at nagsimula nang maglakad papunta sa kanyang sasakyan. Bahala na si Batman! I was silent the whole ride. He was too. Ni hindi niya ako tinanong kung saan ko gustong kumain. Oh, Marga! Kailangan ba iyon? Hindi naman ito date! Bahagya kong naipilig ang aking ulo sa mga naging thoughts ko. Like, what the hell? Gusto niya lang naman suklian iyong kabutihang pinakita ko sa kanya. Inihinto niya ang sasakyan sa isang luxury hotel. Inihagis niya agad sa valet ang susi ng kanyang sasakyan pagkababa niya. Umikot siya papunta sa passenger seat. I know I can open the door, but he still opened it for me. Gentleman! Bahagyang nakadikit ang palad niya sa bewang ko habang ginigiya niya ako papasok sa bulwagan ng hotel. Napalingon ako roon bago ko nagawang iangat ang paningin ko sa kanya. Naglalakad siya na tila wala lang iyon sa kanya. Na parang walang malisya iyon. Parang ako lang ang nag iisip na meron! Damn, Margarita! Ipinaghila niya ko ng upuan at agad akong naupo roon. Again, I have to remind myself that this is not a date! "What do you want to eat?" he asked when the menu was given to us. "Caesar salad and…" I flipped a page and then I unconsciously looked at him. He was looking at me intently. "O-orange juice na lang," nauutal na sabi ko. Ibinalik ko sa waiter ang menu na hawak ko. Ngayon, ay ako naman ang napatitig kay Art na seryosong nakatingin sa menu. "Roasted beef and iced tea." Agad na nagpaalam ang waiter. Naiwan kami sa lamesa na tahimik lang. The restaurant is big. At kaunti lang ang mga taong kumakain. May mahinang tugtugin na pinapatugtog sa kanilang stereo. Just enough, para hindi maging awkward ang atmosphere ng buong restaurant. "Bakit hindi ka um-order ng marami? This will be my treat, Marga," sabay ngiti niya. "I have a figure to maintain kaya as much as possible ay nililimitahan ko iyong mga kinakain ko." Agad siyang natawa sa sinabi ko. Nang nakita niyang seryoso ako ay itinigil niya ang pagtawa at tumuwid ng upo. Tumikhim siya at pilit na sineseryoso ang mukha. Ganunpaman, may bahid pa rin ng ngisi ang kanyang labi. "Sorry. Most girls do it like you. Akala ko lang iba ka." Umangat ang gilid ng labi ko. "May lalaki pa bang hindi nagkakagusto sa mga sexy? I bet, wala na." Nagtaas siya ng kilay. Amusement was written all over his face. "Well…" "Well what, Mr. Art?" hamon ko sa kanya. Nakaawang ang kanyang labi na tila handang handa na sa kung anumang nais niyang sabihin. Naghintay ako. Pero natawa lamang siya at hindi na ipinagpatuloy pa iyong sasabihin niya sana. "Ganoon naman kayong mga lalake 'di ba? You like sexy girls—" "Hindi lahat, Marga. Kapag mahal namin, kahit na tumaba mahal pa rin namin," he said, cutting me off. "Oh, come on! Hindi mo ako maloloko sa ganyan. Mahal niyo? Pero darating pa rin iyong panahon na pagtataksilan niyo kasi may nakita kayong mas sexy." "Ibahin mo ako," seryoso niyang sabi. Napaismid ako. "Try me then," paghahamon niya. Natigilan ako at napaawang ang labi habang nakatingin sa kanya. Dumating ang aming mga orders kaya naputol ang pagtititigang ginagawa namin. I didn't open the topic back. Buti nalang ay hindi na rin niya iyon ipinagpatuloy. Tahimik kaming nagsimula sa pagkain. "Art, dude!" Sa kalagitnaan ng aming tanghalian ay biglang may dumating na lalake. May kasama siyang babae na tahimik lang sa kanyang tabi. "Dwayne," bati rin ni Art pabalik. "Flavor of the month?" nakangising aso na tanong ni Dwayne kay Art. Mabilis na kumunot ang noo ni Art sabay lingon sa akin ng ilang segundo bago muling nagbalik ng tingin sa kaibigan. "Gago!" sabay tawa nilang dalawa. Flavor of the month? Is he a playboy? "Dwayne, tumigil ka nga! Halika na," sabi noong babae kasabay ng marahang paghila niya sa kamay ni Dwayne. "Sige, mauna na kami," pagpapaalam ni Dwayne na agad namang tinanguan ni Art. "Sorry sa isturbo. Enjoy your lunch," saad naman noong babae ng nakangiti saka kami iniwan. Pareho naming pinanood ni Art ang pag alis nila papuntang elevator. "That's Lumina and Dwayne. Sa kanila itong hotel," aniya nang nagbalik ng tingin sa akin. Namilog ang aking bibig. "Magkapatid sila?" "Mag asawa." Kagat kagat ang labi ay tumango ako. "I see. Akala ko myth lang iyong ganoon. Magkahawig sila kaya akala ko magkapatid. Sabi nila, madalas na nangyayari sa mag asawa iyong ganoon. Iyong magkaparehas halos ng mukha." "Naniniwala ka sa ganoon?" Uminom ako ng juice. Isang lagok bago ko ito ibinaba. Umiling ako. "Actually, hindi. That is why I'm amused nang nakita ko sila." “They’re not married. Assistant ni Dwayne si Lumina. Pero gusto ni Dwayne iyon at sigurado akong gagawin niya ang lahat para mapaibig si Lumina. So... Magiging mag asawa rin sila sooner or later.” Hindi na ako muli pang sumagot at ngumuso na lang. Nanahimik ulit kami habang nagpapatuloy sa pagkain. Nauna siyang natapos. Ngayon ko lang napuna ang kabagalan ko sa pagkain nang nakita kong wala nang laman ang plato niya habang ang akin ay marami-rami pa. Nahiya na tuloy akong magpatuloy. "What do you do for a living, Marga? Bakit mag isa ka sa bahay mo?" Napaangat ang tingin ko sa kanya. How did he conclude that I am living alone? "Kagagaling ko lang sa US. I'm a nurse there. Dito… Naghahanap pa lang ng pwedeng gawing trabaho." Tumango-tango siya. "May kakilala akong may ari ng hospital. Baka gusto mong mag apply?" Binasa ko ang aking labi. Parang sobrang balik naman yata ito? I just mended his wounds. And he's returning the favor by treating me to lunch and now, he's helping me to find a job. "Uh…" "I just thought you might want it, Marga." Pinanood ko siyang uminom sa iced tea niya. "Pag iisipan ko. And magpapaalam pa kasi ako sa auntie ko." "I see. Your auntie might be strict." Ngumiwi siya. Napangiti ako. "Hindi naman masyado. She's just being protective of me since kaming dalawa na lang ang magkasama sa buhay." "Oh? Where's your parents?" Tuluyan ko ng ibinaba ang spoon and fork na hawak ko kahit pa may kaunti pang pagkain na natitira sa aking plato. "My mother died pagkatapos niya akong isilang. My father…" Napalunok ako. Kahit wala naman ay feeling ko may kung anong bumara sa aking lalamunan. "He died seven years ago." Pumiyok ang aking boses. Natihil siya sa kinauupuan. Napatitig sa akin at parang sandaling nawala sa kanyang sarili. "I lost my family seven years ago too," seryoso at malamig ang boses na sabi niya. "I'm sorry to hear that." Malungkot siyang ngumiti sa akin. "I'm sorry for your loss too." I don't know but I find comfort in him. To know that I am not alone having this kind of pain is comforting.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD