Pagkatapos ng lunch ay umuwi na kami ni Art. Ang alam ko ay may meeting pa raw siya kaya ihahatid na muna niya ako sa bahay ngayon, bago siya muling aalis para sa meeting.
"Pag isipan mo iyong offer ko," sabay ngiti niya matapos kong makababa mula sa kanyang sasakyan.
"I will. Maraming salamat nga pala sa lunch."
Kumaway pa siya sa akin bago niya tuluyang pinaharurot ang sasakyan niya paalis.
Pumihit ako paharap sa bahay ko. Nakita kong bukas na ang gate. Nang tingnan ko ang pintuan ay nakita kong naroroon na si Nikolai at kunot noong nakatingin sa akin habang nakasandal siya sa gilid.
Natuod ako sa aking kinatatayuan. What a sight! Nagmukha siyang asawa ko na naghihintay sa akin na makabalik. At ngayo'y galit kasi nakita akong inihatid ng ibang lalake. Sana ganoon na lang.
Pero kahit hindi ganoon ay natakot pa rin ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Nakita ko sa garage na naka-park na ang sasakyan ko. Pumasok ako ng gate at nagdahan-dahan sa paglalakad papasok ng bahay.
"N-nikolai…" f**k! I stuttered.
"Where have you been?" Malalim ang boses na gamit niya nang itanong niya iyon.
"N-nag lunch…"
"With who?"
Naghuramentado agad ang aking puso. Pilit kong kinalma ang aking sarili bago ako marahas na bumuntonghininga. Nilagpasan ko siya at nagdiretso agad ako sa couch.
"Sinong kasama mo?"
Now. Where's the Miss Marga? Why do I feel the authority in his voice?
"Someone I know."
Ang kanina'y nakakunot niyang noo ay mas lalong nangunot ngayon. The anger in his eyes is very evident.
"Someone you know? Come on… Sino? Wala ka na mang ibang kilala dito maliban sa amin."
"Now you're invading my personal life, Nikolai."
"What?"
"Ang sinasabi ko, masyado niyo niyang pinapakialaman ang buhay ko na pati pagsama ko sa ibang tao ay kailangan ko pang ipagpaalam sa inyo!" Hindi ko napigilan at nabulyawan ko na siya.
"Miss Marga, you are not living a normal life! Kahit anong oras pwede kang mabaril d'yan sa labas! We're not invading your personal life. We just want to know your whereabouts at kung sino sino ang mga sinasamahan mo because that is our job! We have to protect you!"
Natahimik ako at napaiwas na lamang ng tingin sa kanya. He's right. Kahit anong gawin kong paliwanag, sa huli ay siya pa rin ang tama. I need the protection because someone from outside want me dead.
"Your job…" Hindi ko naiwasan at lumabas ang pait sa boses ko nang sambitin ko iyon.
"Miss Marga…"
"You have to protect me because that is your job. Not because I am important to you, Nikolai."
Hindi siya nakasagot. Naglipat ako ng tingin sa kanya. Nakita kong malalim ang pagtitig na iginagawad niya sa akin.
"You're important, Miss Marga."
Napaismid ako. Alam ko namang importante lang ako dahil sa trabaho niya. Hanggang kailan ba ako mananatiling trabaho ni Nikolai? Minsan naiisip kong maghanap ng manghuhula. I want to know the future. Gusto kong malaman kung saan patungo itong nararamdaman ko para sa isang taong sobrang taas ng tingin sa akin. Na para sa kanya'y kayhirap kong abutin.
"I want you out. I want you to leave me."
Napatayo siya ng tuwid sa sinabi ko. Nang napagtanto niyang seryoso na ako sa sinasabi ko ay marahas na pagbuga ng hangin na lamang ang tangi niyang nagawa.
"I'll go ahead."
Nag iwas agad ako ng tingin. Nang narinig ko ang pagsarado ng pinto ay agad akong tumayo. Nagtungo ako sa kusina at agad na nagdiretso sa ref para kumuha ng tubig. Uminom ako't pabagsak na inilapag ang baso sa sink.
"Damn this feelings! Love really sucks!"
Nang hapong iyon ay nagpahinga ako. Alas sais nang gabi nang nagising ako dahil sa ingay ng cellphone ko. It's an international call, so I expect it to be Auntie Tonette.
"Auntie…"
"Hi, Marga! I heard from Nikolai na may kasama ka raw na lalake? Nag lunch kayo?"
Shit! Why does he have to be so fast? Ang bilis niyang nakapagbigay ng impormasyon kay Auntie Tonette! Dahil hindi niya ako nagawang pagalitan, ngayon ay nagsumbong siya. Good job, Nikolai! f**k you!
"I found a new friend, Auntie."
"Marga, hindi naman sa pinagbabawalan kitang makipagkaibigan. Pero, hija, I want you to know na hindi lahat pwede mong pagkatiwalaan. Some were just trying to be friends with you to gain your trust and in the end, masasamang tao pala sila."
"Auntie…"
"Marga, hindi kita pinayagang umuwi d'yan para lang makipagkaibigan ka sa kung sino sino. You have a company that need to be fixed, Marga. And the money that you need to find. Iyon ang pagtuonan mo ng pansin. Because, Marga… Three million dollar is not a joke!"
Napahugot ako ng malalim na hininga at napakagat sa aking labi.
"Yes, auntie. Hindi ko naman po iyon nakakalimutan."
"Please do your job, hija. At huwag kang basta bastang sumama sa kahit na sino. Always bring Nikolai with you if you want to go out."
"Okay, auntie."
"Good girl," she said and then hung up the call.
Muli akong napabagsak sa aking higaan. Napatingin sa kisame at nag isip ng kung anu-ano.
In The US I always have Nikolai with me along with my other bodyguards. Wala akong magawa kasi iyon ang gusto ni Auntie Tonette. Bata pa ako noon, and although I have the money to support myself. I still need her guidance, so wala akong ibang magawa kung hindi ang sundin ang gusto niya.
Pinilit kong humanap ng paraan para lang makabalik dito sa Pilipinas, to finally have the freedom I longed. Pero nakakadismayang pati dito ay hawak pa rin niya ako.
I made the three million dollars and our company to be the reason of my comeback here. Pero wala pa rin palang nangyari.
Binasa ko ang aking labi at bumangon na upang makapagluto ng hapunan. Wala akong masyadong alam sa pagluluto. But now, I want to try it. Sana lang ay hindi maging masama ang kalalabasan.
Pagkababa ko ay agad akong nagdiretso sa kusina upang isagawa ang plano kong pagluluto. Pero hindi pa ako tuluyang nakakapaghanda ay tumunog na ang doorbell.
My expectation is that it's Nikolai. Pero pagkabukas ko sa pintuan ay mabilis na nalaglag ang panga ko kasabay ng pamimilog ng aking mga mata.
My neighbor is outside in his white white v-neck shirt, black beach shorts and a bowl in his hand.
Ano na namang ginagawa niya dito? Don't tell me he wants to have dinner again with me? Lagot na talaga ako sa tiyahin ko nito kapag umabot sa kanya ito.
Natulala pa ako saglit sa pintuan bago ko nagawang gumalaw mula sa kinatatayuan. Kung hindi pa marahil niya ako pinagtaasan ng kilay ay hindi ko pa siguro maitutulak ang aking sarili palapit sa gate kung nasaan siya.
Nag iwas siya agad ng tingin nang nakalapit ako. "Napadami ang luto ko kaya naisip kong baka gusto mo rin," aniya.
Napaka-thoughtful naman.
"Uhh… I was about to cook my food for dinner. Thank you, Art," sabay ngiti ko.
Sandali siyang nagnakaw ng tingin sa akin bago muling nag iwas. Napalunok siya. Kumunot ang aking noo. Tatanungin ko na sana kung anong problema, pero umihip ang malakas na hangin dulot ng sasakyang dumaan.
"Oh shoot!" naibulalas ko nang naramdaman ang lamig. And there, napagtanto kong naka spagetti dress lang ako with no bra at all!
Agad akong tumalikod sa kanya at nagtatatakbo papasok ng bahay.
"Wait, Marga…"
Hindi ko na nagawa pang tanggapin ang pagkaing ibinibigay niya.
Nagdireto ako sa kwarto at agad na nagbihis ng matinong damit. Of course! I shouldn't forget the f*****g bra!
Pagkababa ko muli ay nakangising aso na si Art habang nakatingin sa akin. Nagkamot ako ng batok.
"Sorry about that. Kakagising ko lang kasi from my afternoon nap."
He nodded. "I see…"
Mabilis na namilog ang aking mga mata. "Anong nakita mo?"
"Ang ibig kong sabihin…"
"Nakita mo ba talaga? I mean you see it clearly?" Napasapo ako sa aking noo. "Damn!"
I heard him chuckled kaya muli akong nag angat ng tingin sa kanya.
"Wala akong nakita, nag iwas ako ng tingin remember?"
"I doubt it."
"I swear." Muli siyang natawa. "I've no eye of a tiger, Marga kaya hindi ko talaga na kita."
Unti-unti akong kumalma dahil sa sinabi niya.
"Promise?" Pinatalim ko ang mga titig ko sa kanya.
He again chuckled. "Promise."
Doon lang ako tuluyang huminahon. Binuksan ko ang gate at tinanggap na ang bowl na ibinibigay niya.
"Thank you again. Uh… Tapos ka na bang maghapunan? G-gusto mong sumabay sa akin?"
And then I remember.
"Kaso wala pala akong rice," sabay tawa ko ng mahina.
Malawak siyang ngumiti. Iyong tipong nagmukha siyang chinito dahil sa mga mata niyang tila naging isang linya.
"May rice ako sa bahay. If it’s okay with you… Doon na lang tayo," he suggested.
Sandali akong nag isip. Kapag ito nalaman ulit ni Auntie, siguradong lagot na naman ako. Pero gabi na… Malalaman ba ulit ito ni Nikolai? Sigurado namang hindi na iyon pupunta dito.
"S-sige…"
Mas lalong lumawak ang ngiti ni Art. I was homeschooled when I was in the US. Kaya hindi ako nagkaroon ng mga kaibigan doon. Ni hindi ako nakapasok sa ibang bahay doon. Kaya nang nakapasok ako sa loob ng bahay ni Art ay talagang namangha ako. Madalas kong nakikita sa mga television na makalat ang kwarto ng isang lalaki. But Art's house is so clean. Kahit alikabok yata ay wala siya.
"Wow…" hindi ko naiwasan at nasabi ko iyon.
Nauuna siya sa aking maglakad kaya nilingon niya pa ako para lang makita niya ang pagkamangha sa mukha ko.
I heard him chuckle saka siya nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kusina. Medyo may kalakihan ang bahay niya kumpara sa bahay ko. High ceiling din hindi katulad ng sa akin. His chandelier is extravagant. The black and grey theme makes the whole living room minimalistic and organized. Naupo ako sa itim niyang sectional sofa.
"Feel at home." Narinig kong sigaw niya mula sa dining table. Nilingon ko siya at nakita kong abala na siya sa pag aayos ng lamesa.
We had lunch together and now we're having our dinner together. Ayos lang naman siguro ito hindi ba? I am making friends and I think this is fine.
Muli akong tumayo nang nakita ang round table malapit sa hagdan na may nakapatong na picture frame. Nilapitan ko iyon at kinuha ang frame upang masusi kung sino ang nasa larawan. It's Art in his grey suit. Kahit anong gawin kong pagtitig sa kanya ay talagang papasa siya bilang international model. With his thick and dark eyebrows and eyelashes, pointy nose and his very manly features talagang papasa siya.
"Anong trabaho mo?" tanong ko habang nakatingin sa picture niya.
"I'm a CEO. May sarili akong kompanya," sagot niya.
Namilog agad ang aking mga mata. He must be so damn rich!
Nilingon ko siya at ibinigay ko ang buo kong atensyon sa kanya. Naglalagay na siya ngayon ng mga plato sa lamesa.
"What company?"
"Security company."
"Oh…"
"So if you wanna hire a bodyguard. I can give you the best people in this field."
Tumango ako at kagat labing naglakad na papunta sa mesa. Ngayon ko lang napansin na sinabawang baboy pala ang ulam. Muli, ay ipinaghila niya ako ng upuan. Hinintay niya pa akong maupo before he settled himself in front of me.
"Hindi ko alam kung magugustuhan mo ito pero sana," nakangiting aniya habang ipinagsasandok ako ng ulam sa aking maliit na bowl.
"Alam mo ba, sa US, hindi ako masyadong lumalabas. Sa ilang taon ko roon ay kahit isa ay wala akong naging kaibigan."
"Introvert?"
"Hindi naman. Sadyang wala lang akong friends kaya ganoon."
"How about school?"
Tinikman ko ang sabaw at kamuntikan pa akong mapamura dahil sa lasa. Damn! Ang asim!
"Anong nilagay mo dito? Bakit ang asim?"
Natawa siya sa reklamo ko. Sigurado akong dahil sa iyong sira kong mukha ang pinagtatawanan niya.
"Sinigang ito, Marga kaya natural lang na maasim."
Now, mukha pa akong ignorante sa paningin niya dahil lang sa sinigang na ngayon ko lang natikman. Ang asim pala talaga!
"Have you thought about my offer?" tanong niya makaraan ang ilang sandaling tahimik kami para sa dinner.
"Actually, my aunt wants me to work in our company. So… I guess mag iiba ang linya ng trabaho ko dito sa Pilipinas. Sorry. Thanks for the offer by the way."
Binasa niya ang labi niya habang nakatingin sa akin. Umayos ako ng upo at napainom ng wine.
"Wala kang kasama dito sa bahay?"
Agad siyang umiling nang hindi inaalis ang titig sa akin.
"Mag isa lang ako dito."
"I mean…" Muli akong napaayos ng upo kahit na maayos na naman na ang pagkakaupo ko. Feeling ko kasi, hindi maayos ang pagkakaupo ko.
"Wala kang girlfriend? Or asawa?"
Umangat ang gilid ng kanyang labi. Marahil ay napansin niya ang pagkakabalisa ko.
Muli siyang umiling. This time he pouted his lips. Nag iwas agad ako ng tingin at muling napainom ng wine.
"Simula nang namatay ang girlfriend ko. Hindi na ako muling nagmahal."
Damn! Bakit ito ang pinili kong topic? Masyadong mabigat! Mapapasubo yata ako nito.