Mabilis na natapos ang dinner namin. Hindi na rin ako nagtagal sa bahay ni Art dahil baka hanapin ako ni Nikolai. Tahimik niya akong hinatid ng tanaw mula sa gate niya. Matapos kong i-lock ang gate ko ay agad na akong kumaway sa kanya. Kinawayan niya rin ako pabalik.
That night, I built a friendship. For me, it was all friendship. Wala akong ibang nakikita roon kung hindi pagkakaibigan. This one excites me. I never had a friend kaya ganito na lang ako kasabik ngayon.
Nakita kong marami na ang naging missed calls ni Nikolai sa akin. Marami rami na rin ang text messages niya at isa-isa kong binasa iyon.
“Miss Marga, anong gusto mong dinner?"
"Do you want to go out?"
"Anong ginagawa mo? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?"
"Miss Marga, is everything okay?"
"I am worried."
"Should I go there?"
Napabuga ako ng hangin at mabilis na nagtipa ng mensahe.
"I am alright, Nikolai. You don't have to worry. Nakatulog lang ako."
Mabilis akong nakatanggap ulit ng reply mula sa kanya.
"Nag dinner ka na?"
"Yeah. Katatapos ko lang."
Naghintay ako ng ilang sandali at hindi na muli pang nakatanggap ng reply mula sa kanya kaya nag decide na akong maligo para makapagpahinga na.
Kinabukasan ay nagising akong walang agahan na nakahanda sa lamesa. Ang alam ko'y may spare key si Nikolai ng bahay ko at trabaho niyang hatiran ako ng pagkain kaya nagtataka ako kung bakit wala ngayon. Not that, hindi ako makakain ng wala siya. Kaya ko namang magluto ng agahan ko. Kahit na hindi ako magaling ay kaya ko namang magluto.
Nagdecide akong mag text na lang para malaman ko rin kung bakit nga wala akong breakfast today.
"Nikolai? Where's my breakfast?"
While waiting for his reply ay nagdecide akong maghanda ng breakfast ko. I boiled an egg, toasted a bread, and prepared a butter and milk. Pero natapos na lamang ako sa ginagawa maging sa pagkain at lumipas na lamang ang kalahating oras ay wala pa rin akong natatanggap na reply mula sa kanya, so I decided to call.
"What now?" tanong niya mula sa kabilang linya. Iritado ang boses niya na para bang naisturbo ko siya at hindi niya nagustuhan ang pagtawag ko.
"I just wondered…" Alanganin ang naging boses ko. "Bakit hindi mo yata ako hinatiran ng breakfast today?"
"Oh? Is there a need to? Kailangan ba? I thought kaya mo ng mag isa."
Mabilis na nangunot ang noo ko. Bakit parang galit siya sa akin? May nagawa ba akong ikinagagalit niya?
"Nikolai…"
"Why don't you have your breakfast outside with that neighbor of yours, Miss Marga?"
"Oh, that! Iyan ang dahilan ng ikinagagalit mo? What's wrong with having lunch with him, Nikolai? Masama na ba talaga ang tingin niyo sa pakikipagkaibigan ko sa iba?"
"Hell yeah! Masama, Miss Marga! Masamang masama! Sooner or later you'll realize that everything is not normal for you. Trabaho ko ang protektahan ka, pero kung ayaw mo ang ginagawa kong pagpoprotekta sa iyo, edi bahala ka! Malaki ka na! You can now have your own decision!"
Damn it! Bakit ganito siyang umakto?
"Nikolai…"
"Busy ako sa paghahanda ng gaganaping media conference ng pag upo mo bilang CEO ng Ruiz Land Ventures Corporation. I need to hang up," sabay baba niya sa tawag.
And that's it. Galit siya dahil sa pakikipagkaibigan ko kay Art. Why do I feel like I'm being caged again? Bawal na pala talaga akong makipagkaibigan ngayon? Yeah. I know that my life is in danger and that I don't have to live normally like other people. Pero masama na ba talaga ang makipagkaibigan ngayon? Art is being nice to me. Wala akong nakikitang mali sa pakikipagkaibigan sa kanya. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit masama ang pananaw nina Nikolai at Auntie Tonette dito.
Gosh! Wala na ba talaga akong karapatang makipagkaibigan?
Humugot ako ng malalim na hininga saka iyon unti-unting ibinuga. This coming Friday will be the presscon. And today is Wednesday so I still have time for myself. Meditate, yoga, and everything I need to relieve stress.
But I decided to water the plants outside. Wala ako sa mood para mag yoga or kahit anong pwedeng gawin. Hindi ako mahilig sa mga bulaklak, but watering them and help them have their healthy grow is not bad after all.
Habang nagdidilig ay panay ang nakaw ko ng tingin sa bahay na nasa harapan. Tahimik ang bahay niya at mukhang wala talagang tao. Nasa trabaho kaya? Natapos na lamang ako sa pagdidilig ng halaman ay hindi ko talaga nakita si Art sa bahay niya. Maybe wala talaga siya doon.
Nagpa-deliver na lamang ako ng lunch and then I took my afternoon nap. Alas sais nang muli akong nagising dahil sa doorbell.
This is surely not Nikolai. Though, I hoped na sana siya nga. Pero alam kong hindi siya. Dahil kung sakali mang pupuntahan ako niyon dito ay diretso sa kwarto ko ang katok. Sumilip ako mula sa bintana ng kwarto ko. Hinawi ko ang puting kurtina at nakitang naroroon si Art sa labas ng gate ko at may dala na namang bowl nang marahil ay ulam.
Are we having our dinner together again?
Dali dali akong bumaba at nagdiretso sa labas. Pagkabukas ko pa lamang ng pintuan ay nakita ko na agad ang ngiti ni Art sa akin.
"Narito ka ulit," nakangiting sabi ko.
"Yeah. Ulam ulit," nakangiti niya ring tugon sabay lahat ng bowl sa akin. This time it's a calamares. Auntie Tonette used to cook this in US kaya alam ko itong dish na ito.
"Thank you," sabi ko.
"You're welcome."
"Uhh… Gusto mong mag dinner ulit kasama ko?" diretsahan kong tanong.
Agad siyang natawa sa tanong ko. Why? May masama ba doon sa alok ko?
"Well…"
Nakagat ko ang labi ko. "Wala pa pala akong rice. But I can cook if you want to join me for dinner."
He pressed his lips and then nodded. "Sure."
Malawak ang naging ngiti ko at agad siyang iginiya papasok ng bahay ko.
"Sorry, I know hindi masyadong maganda ang bahay ko kumpara sa bahay mo."
"No, it's okay."
Nagdiretso siya sa bean bag na nasa sala at doon naupo. He found the tv remote in the coffee table and he expertly manipulated it.
I guess I don't have to say the words ‘feel at home’ to him anymore because he's already feeling at home.
I spent again the night with Mister Art Griego. Marami siyang naikwento sa akin na hindi ko inaasahang ike-kwento niya. Marami rin akong naikwento sa kanya to the point na hindi ko akalaing makwento pala akong tao. I was always prim and proper, timid and behave when I am with Auntie Tonette and Nikolai. Pero nang nakilala ko si Art ay tila doon ko lang unti-unting nadiskubre ang aking sarili.
“Let’s go. Hatid na kita sa room mo,” aniya habang hinihila ako patayo. Pero hindi ako nagpapahila at nagpatuloy ako sa pag inom. Hindi ko alam kung bakit umabot na kami sa pag iinuman. Ang alam ko kanina ay masaya kaming kumakain ng dinner. The next thing that happened is that, kumuha siya ng inumin sa bahay niya at dinala niya dito sa bahay ko. Naupo kami sa sala, napalalim ang kwentuhan at ito na nga.
“Marami na ang nainom mo, Marga. Come on!” Muli niya akong hinila at nagpatianod na lamang ako. Umaalon na ang paningin ko. I know any minute by now I’ll passed out!
“Mag se-s*x ba tayo pagkarating natin sa kwarto?” I asked him. Natigilan siya sa paglalakad at agad na napamura.
“f**k!”
What’s wrong with my question again?
“Ohh… Art! I love the way you cursed!” I said in an erotic way.
Umiling siya at muli akong inalalayan sa paglalakad papasok ng kwarto ko. Diretso niya akong ibinagsak sa kama ko. Wow! Parang sako lang na inihagis. Walang pag iingat! Damn it!
Bumangon ako at naupo.
“Where are you going?” tanong ko nang nakitang palabas siya ng kwarto ko.
“Aayusin ko lang iyong mga kalat sa labas. And then uuwi,” aniya at isinarado na ang pinto. Natulala ako sandali at nang nakaramdam ako ng kakaiba sa aking tiyan ay agad akong napatakbo papunta sa banyo.
Pakiramdam ko’y naisuka ko yata ang lahat ng mga nakain ko sa gabing iyon. Naligo na rin ako upang mahimasmasan at diretso nang makatulog pagkatapos nito.
I chose the black underwear and lingerie and then I crawled in my bed. Hoping for a very good sleep.
Hindi pa ako tuluyang nakakaidlip nang narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Nagpatuloy ako sa pagpikit. Feeling ko masyadong pagod ang katawan ko at maging ang pagdilat ay hirap na hirap akong gawin.
I felt his big and warm hand caressed my cheeks. Damn! Feeling ko ay mas lalong nagliyab ang init na kanina ko pang nararamdaman.
“Good night, Margarita,” he whispered.
Nang naramdaman ko ang pag alis ng kanyang kamay sa pisngi ko ay mabilis akong nagdilat ng mga mata. Nakita ko siyang nakatalikod na sa akin. I immediately hold his hand.
“You’re still awake…” gulat na naibulalas niya.
Hindi ko siya sinagot at buong pwersa ko siyang hinila palapit sa akin saka ko agad na sinalubong ng halik ang kanyang labi. He’s out of balance dahilan upang parehas kaming matumba sa higaan.
“Marga…”
I hold his nape and led him to me. Muli kong pinagdikit ang aming mga labi. It took him minutes to finally respond in my hot kisses.
Nang lubayan niya ang labi ko at nilakbay ng halik niya ang aking panga pababa sa aking leeg ay agad kong nakagat ang aking labi upang maiwasan ang pag ungol. The tickling sensation I felt in the part where he showered me feathery kisses was like a wildfire that spread quickly all over my body.
“Mmm…” I moaned.
Pinatawan niya ng pinong mga halik ang aking leeg down to my shoulder blade. Marahan niyang hinaplos ang balikat ko bago niya ibinaba ang strap ng suot kong lingerie.
My hands wandered around her body and as I cupped the bulge in between his thighs, he immediately looked at me. Kitang-kita ko kung paanong nag apoy ang kanyang mga mata sa matinding pagnanasa na nararamdaman.
“This is wrong, Marga.”
Tumayo siya at iniwan akong nakahiga sa kama. Napapikit ako ng mariin. Yes! I am drunk. But I am still f*****g sane. Kung bakit ko siya hinalikan kanina ay hindi ko talaga alam. Ayaw kong ibato ang lahat ng sisi sa nainom ko pero wala akong ibang maturong dahilan. If it’s ‘libog’... No, definitely not!
Hindi ako muli pang nagdilat ng mata hanggang sa narinig ko na lamang ang pagbukas at sarado ng pinto.