Kabanata 7 - Awkward

1615 Words
Nagising ako the next day na parang pinupokpok ng kung ano ang ulo ko sa sobrang sakit. Umiikot ang paningin ko na hindi ko na alam kung papaano pa akong makakapaglakad papunta sa banyo. Damn it! Kung ganito ang hangover… Ayaw ko nang umulit pa. Muli akong natulog at muling nagising ng alas dos. Nagpa-deliver lamang ako ng brunch ko at matapos kong kumain ay muli na naman akong natulog. Hindi ko nakita si Art ng mga sumunod na araw. Kahit na sa gabi ay tumatambay ako sa gazebo, kunwaring nagpapahangin kahit na ang totoo ay napapatingin ako sa bahay niya, umaasang lalabas siya doon at makapag usap kami tungkol sa nangyari noong gabing nalasing kami… o ako. Feeling ko, ako lang iyong nalasing. Friday came… Sinundo ako ni Nikolai sa bahay ko. Nasa banyo ako nang narinig kong kumatok siya, bumukas ang pinto at sumarado. Marahil ay narinig niya ang tunog ng shower kung kaya ay lumabas na lamang siya. Pagkalabas ko ng banyo ay nakita kong nakahiga na sa kama ko ang bodycon dress na susuotin ko along with it’s high heeled sandals. Naupo ako sa harap ng vanity na nakatapis lamang ng puting tuwalya. Light make-up lamang ang nilagay ko bago ko tinuyo ang aking buhok. Hinayaan ko iyong nakalugay at kinulot ko ang dulo na abot na ang bewang ko. Nang nakuntento na ako sa mukha ko ay doon ko lang isinuot ang damit na nakahanda para sa akin. Busangot ang mukha ni Nikolai pagkababa ko. Kunot na kunot ang kanyang noo na para bang ang laki ng galit niya sa mundo. Nilagpasan ko siya at nang naramdaman ko ang pagsunod niya ay agad akong tumigil sa paglalakad at mabilis na lumingon sa kanya. Napaatras siya nang halos magkabanggaan na ang mga katawan namin sa sobrang lapit namin sa isa’t isa. Nag iwas siya ng tingin at doon marahas na bumuga ng hangin. “Galit ka pa rin ba?” Tumikhim siya. “We’re going to be late, Miss Marga.” “Answer me, Nikolai. Galit ka pa rin ba? Is this about me being friends with---” “Yes,” may riin at saktong bigat ang katagang iyon na binitawan niya. Nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Natulala ako sa nakikita kong galit sa mga mata niya. Ilang sandali lang ay nilagpasan niya ako. Umangat ang gilid ng labi ko. Sarkastiko akong napasinghap. “Konti na lang iisipin kong nagseselos ka.” Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako. “Anong gagawin mo kung nagseselos nga ako?” Napaawang ang labi ko. Damn! He’s jealous! Did the universe finally heard my prayer? Is Nikolai have feelings for me already? “Nikolai…” “Damn it, Marga! Anong ginagawa ng lalakeng iyon sa kwarto mo nong isang gabi?!” Tuluyang nalaglag ang panga ko kasabay ng pamimilog ng aking mga mata. f*****g s**t! How did he know it? Did Art leave the door open while were kissing inside? Naloko na talaga! “A-anong sinasabi mo?” pagmamaang-maangan ko. “Seriously, Marga? Nagpapasok ka ng lalaking wala pang isang linggo mong nakilala sa loob ng kwarto mo?” “Nikolai…” “And don’t you ever think of denying it. I saw you.” Kumunot ang noo ko. Tama ba ako sa hinala kong naiwan ni Art na bukas ang pintuan ng kwarto ko? May kung anong tinuro si Nikolai sa kisame malapit sa kwarto ko. “I installed CCTV cameras in your house without your knowing.” Napatango ako. Hindi ko alam pero pakiramdam ko’y ang mga CCTV Cameras na nakita ko ang siyang dahilan ng pag alab ng galit ko. “You f*****g installed it without me knowing para ano, Nikolai? Saan na napunta ang privacy ko niyan?” “It’s for your own safety!” “No! Pinapanood mo ang lahat ng galaw ko!” “Miss Marga…” “You’re f*****g watching me. Pati ba sa loob ng kwarto ko nilagyan mo?” Hindi siya nakasagot. Marahas akong napabuga ng hangin. “Damn it! I can’t believe it!” “We’ve installed it for possible harm—” paliwanag niya. “Inside my house? CCTV sa labas ng bahay ko ay ayos lang, Nikolai. Pero ang umabot iyon sa loob ng kwarto ko ay ibang usapan na. You. Are. Invading. My. Privacy.” “Damn that privacy of yours! Iniiba mo ang usapan!” Sarkastiko akong natawa. “Ano naman sa iyo kung may mangyari sa amin ni Art? Hindi naman kita boyfriend. You’re nothing but a f*****g bodyguard. Just bodyguard! Bodyguard lang ang papel mo sa buhay ko! Kaya huwag kang makialam na para bang pagmamay-ari mo ako! Know where you stand, Nikolai Delos Reyes!” Nakita ko kung paanong nag akyat baba ang adam’s apple niya dahil sa paglunok. Umayos siya ng tayo at matamang sinalubong ang galit kong mga titig sa kanya. He nodded. “You’re right. I’m sorry for crossing the line.” Nilagpasan niya ako at nag dire-diretso siya palabas ng bahay. Para namang binayo ng kung ano ang dibdib ko. Bigla akong nakonsensya. Bigla ay gusto ko na lamang bawiin ang lahat ng binitawan kong mga salita kanina. Hindi rin ako nagtagal sa kinatatayuan at agad na akong sumunod sa kanya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa back seat. Tumigil ako sa kanyang harapan. “Nikolai…” I tried to say sorry pero nag iwas lamang siya ng tingin. I guess, talagang nasaktan at nagalit siya sa mga sinabi ko and now he’s close minded. Kinagat ko ang ibaba kong labi at sumakay na lang sa sasakyan. Mabilis niyang isinarado ang pinto when I settled myself in. We were silent the whole ride. Panay ang nakaw ko ng tingin kay Nikolai mula sa rearview mirror. Habang siya ay seryoso lang na nakatingin sa daan. The media flocked at me when I entered the venue. Pinaulanan nila ako ng mga tanong regarding the past issues of the company, pero kahit isa doon ay wala akong sinagot. Nanatili lamang tikom ang aking bibig at seryoso ang aking mukha habang naglalakad ako, hanggang sa makarating ako sa aking upuan na nasa harapan ng lahat. The first question that was thrown on me is all about the three million dollars that was lost seven years ago. Si daddy ang nakaupong CEO noon noong nawala ang perang iyon. At hanggang ngayon ay walang nakakaalam kung saan na iyon napunta. The other questions was all about me being the CEO. Sa kung papaano ko gagampanan ang responsibilidad na iyon… “Of course, I am damn afraid. Sino namang hindi? This is my first time. And my knowledge about the company is not that broad. But I know I can do this. I need to do this. This is my family’s company after all. At responsibilidad kong alagaan ito. “Miss Ruiz, ano itong tungkol sa nangyaring pagkamatay ng buong pamilya ng mga Fuego? Hindi ba ay malapit kayong magkaibigan ni Miss Princess Fuego?” Natihil ako sa kinauupuan. Si Nikolai na nasa tabi ko ay agad na inagaw ang microphone mula sa aking mga kamay. “That’s it for today. Thank you everyone for coming,” aniya sa malalim na boses. Ramdam ko ang panginginig ng aking kamay na ngayo’y namamahinga na sa aking kandungan. “Let’s go, Miss Marga…” Inalalayan ako ni Nikolai sa pagtayo. Nag ingay ang mga press at mas lalo pang dumami ang mga tanong nila nang nagsimula kaming maglakad ni Nikolai palabas. Ipinahinga ko agad ang ulo ko sa headrest pagkapasok ko ng sasakyan. The question about the Fuegos really made me sick. After seven years… patay na sila pero iyong isyung iyon ay buhay na buhay pa rin? “Are you okay?” tanong ni Nikolai habang nasa kasagsagan na kami ng traffic pauwi sa bahay ko. Pikit mata akong tumango. “I am…” Hindi siya sumagot kaya nagmulat ako ng mga mata. Natagpuan ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin mula sa rearview mirror. “Tomorrow will be your first day in the company. I wish you do well.” Binasa ko ang aking labi. “Hindi mo ako sasamahan?” He shook his head. “May iba akong gagawin.” “Mas importante sa akin?” diretso kong tanong na hindi man lang nag iisip. “You're more important, Miss Marga. But I want to give you what you want. Ayaw kong nasasakal kita sa pagiging body guard ko sa iyo…” Bahagyang umawang ang labi ko sa sinabi niya. Nasabi ko bang nasasakal niya ako? May sinabi ba akong ganoon? Oh right! I want the privacy, but heck! Wala akong sinabing nakakasakal na siya! “But if you want me there…” mabilis na dagdag niya. Umayos ako ng upo. “Of course… I want you there,” sabay iwas ko ng tingin. Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Pagbalik ko ng tingin ay nakita kong nakangiti na siya habang nakatutok ang kanyang mga mata sa daan. Napangiti na rin ako. Are we finally okay now? Did he already forgive me for what I’ve said earlier? Napabuntonghininga ako at muling napatingin sa labas mula sa aking bintana. Hay naku! Sana nga ay napatawad na niya ako. Hindi ko naman iyon sinasadya. Talagang nagalit lang ako at nagulat na rin dahil hindi ko naman alam na may mga CCTV na pala sa bahay ko. “Tatanggalin ko na rin ang mga CCTV na nakakabit sa loob ng bahay mo. I’m sorry for that. Dapat ay nagpaalam muna ako sa iyo.” “O-okay…” Now, the awkward atmosphere is back. Bakit niya pa muling binuksan ang usapin tungkol doon? Hay naku, Nikolai!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD