Vesta's Point of view. ______________________________________ Mahimbing na ang tulog ni Amory sa tabi ko. Samantalang ako ay gising pa din ang isip sa mga pangyayari kanina. Hindi ko lubos maisip kung bakit biglang nagka ganun. Hindi pa ako normal? Kakaiba din ba ako sa lahat? Anong klaseng nilalang ba iyong mga kagaya namin? Habang iniisip ko ang mga bagay na ito ay bigla na namang gumaoang ang takot sa kaloob looban ko. Paano pala kapag di na ako magkakaroon ng normal na buhay? Paano pala kung pag gising ko kinabukasan ay mag iba na ang lahat? Paano kung lahat nalang ng taong importante sa akin ay masaktan ko dahil sa kakaibang kapangyarihang meron ako? Huminga muna ako ng malalim bago ako bumangon sa kama. Inayos ko na rin ang kumot ni Amory dahil lumalamig na. Bumaba ako

