Chapter 5: Request

2080 Words
“I ALSO wanted to help you hija, I really do. But with my current situation, gustuhin ko man ay, ako mismo ay kailangan din ang tulong. I couldn’t even help myself how am I supposed to help you?” mahinang simula ni Uncle Carlo habang nakamot sa ulo. Napaangat naman ng tingin si Yvette sa narinig at nagtatakang napatingin sa uncle, “What are you talking about, Uncle Carlo? What happened?” nagtatakang tanong ni Yvette si problemadong tiyuhin. “Halos isang taon na ring namomroblema ang kompanya, Yvette. Mula ng mamatay ang asawa mo, at pansamantalang ako muna ang pumalit na CEO, ay hindi ko na naipagpatuloy ang magandang sinimulan ni Patrick. As I said to him, before merging the two company, I can’t lead a bigger business than what I had before. Hindi ko naman aakalain ang biglaang pagpanaw ni Patrick, pero wala akong magagawa kun’di ang pansamantalang hawakan ang posisyon hangga’t hindi ka pa nakakapagdesisyon,” bahagyang nag-aalala pang sabi ni Uncle Carlo, habang nakatingin at naghihintay sa magiging reaksyon ni Yvette. Nanatili naman ang nagtatakang tingin ni Yvette sa tiyuhin, kaya naman napahinga ng maluwag ang huli. Bago nagpatuloy ay napatingin lang sa isang tabi ang tiyuhin samantalang agad namang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Yvette. Alam kasi ni Yvette na alam ng tiyuhin na ayaw niya ang ginawang pag-iisa sa kompanyang pinaghirapan ni Uncle Carlo at ng kompanyang mamanahin niya mula sa ama. Pero dahil sa pagpipilit ng kanyang yumaong asawa at mismo ng kanyang tiyuhin ay wala siyang nagawa kun’di ang hayaan ang dalawa noon sa binabalak. Alam naman niya na para sa kanya ang plano ng asawa at ng tiyuhin. Tutal naman daw ay pareho din naman niyang mamanahin ang dalawang kompanya pagdating ng panahon na handa na siya. At iyon ang hindi niya matanggap. Siguro p’wede niya pang tanggapin ang kompanya ng yumaong ama, pero pati ang kompanyang pinaghirapan ng tiyuhin niya? Hindi niya iyon masikmura. Paano naman niya matatanggap ang isang pamana na hindi niya naman pinaghirapan at hindi niya talaga deserve dahil hindi naman siya ang anak ng mga ito. Pero anong magagawa niya kung bago pa man niya tanggihan ay sasabihin ng mga ito na para na siyang anak ng dalawa, bakit hindi niya deserve? Mahinang napabuntonghininga na lang si Yvette habang nakatingin sa tiyuhin na halata ang kaba at pagkabahala dahil sa sinapit ng kompanyang pinaghirapan ng marami. “Pabagsak na ang kompanya, Yvette. Ilang buwan na ring mababa ang sales revenue ng kompanya, sa halos isang taon at pababa pa iyon ng pababa. Kapag nagpatuloy iyon ay baka tuluyan na tayong malugi. Paunti-unti rin ay nagtatanggal na ng trabahador ang bawat department maging ang ilan sa small workers ay halos maubos na dahil wala ng masyadong kita para ipang-sahod sa mga manggagawa,” problemadong-problemadong saad ni Uncle Carlo habang napahilamos pa sa mukha. “I don’t know what to do anymore, hija. This is a really big company for me, and I am so pressured to make a plan for the company. Siguro kung noong maliit pa ito ay baka nagawan ko agad ng solusyon pero ngayong lumaki na ang kompanya, I couldn’t even make a good decision on how to keep the small time workers, how could I even help the whole company?” lugmok ang mukhang napalingon si Uncle Carlo kay Yvette na agad din namang nagbaba ng tingin. “Nahihiya ako sa’ yo hija, sa totoo lang. Siguro kung naniwala lang ako noon sa sinabi mo tungkol sa pag-iisa ng dalawang kompanya ay hindi mangyayari ito. Pero hija, hindi ako nagsisi na ginawa ko ang bagay na iyon. Dahil kung hindi ko iyon ginawa ay baka ang dalawang kompanya pa ang kailangan nating isalba sa oras na mawala ang asawa mo. Yes, it was hard to handle a big company, but it was easier than holding two companies at the same time, lalo pa nga’t hindi ka pa handang hawakan ang isa sa mga iyon,” dagdag ni Uncle Carlo habang nakatingin kay Yvette. Napaiwas naman si Yvette ng tingin sa tiyuhin. She’s guilty about that. Alam niyang kailangan na kailangan na niyang tulungan ang tiyuhin tungkol sa kompanya dahil alam niya ring hindi kaya ng tiyuhin na patakbuhin ang malaking kompanya ng mag-isa. But because of her selfish reasons, she stayed in California and left the big responsibility alone, to her uncle. Kaya naman na talaga niya, afterall she graduated college in the business course with a high degree. And now, even though she’s just a small marketing manager of the small business she’s currently working with, the company treasured her. Sinong hindi kung magmula ba naman ng makapasok siya sa kompanya ay patuloy na ang magandang sales and revenues ng kompanya. Kaya nga kahit ilang araw na siyang on leave mula sa trabaho, ay bayad pa rin siya. Gano’n siya pahalagahan ng kompanya. And if she would work in the company with her uncle, there might be a high possibility that she could help the company returned to the way it should be when it was still her late husband’s reigning. O baka nga mas maayos pa. Pero hindi niya pa kaya. Hindi niya pa kayang magsimula ulit sa lugar na kinalimutan na niya. Sa loob ng mahigit pitong taon ay hindi pa siya nakakabalik sa Pilipinas, maliban sa pag-aadjust ng anak niya ay mahihirapan din siyang mag-adjust dahil marami ng nagbago mula ng umalis siya. At hindi pa siya handa para harapin ang mga iyon. “It’s okay, Uncle, I understand. I will just think of another plan to earn money,” bahagyang nakangiti at malumanay na sabi ni Yvette sa tiyuhin. “Anyway, Uncle, if ever nakaipon na ako ng sapat na pera para sa anak ko, I will help you with the company. And while you are here, you can asked me anything I can help you with,” alok niya sa tiyuhin na nanlaki naman ang mga matang napatingin sa kanya. “Y-you will, hija?” bakas naman ang tuwa sa boses at mukha ni Uncle Carlo, kaya naman nakangiting tumango si Yvette sa tiyuhin. “T-that would be great! As I said a while ago, I came here to give you reasons why I couldn’t help you with money but also, I came here with a request from you. Kaya umabot pa ng tatlong araw ang itinagal ko bago makapunta rito ay dahil humanap muna ako ng paraan para matulungan ka dahil alam ko ngang kailangan mo ng pera. And fortunately, hija I really did have a plan. It could help the company to be pulled, back from bankruptcy and also in return, we can help you with the money. Now, will you listen to my proposal, Yvette?” tanong ni Uncle Carlo, halata ang excitement sa boses while staring with hopeful eyes towards Yvette. Seeing that, Yvette smiled helplessly while staring at her excited uncle. Napatango na lang si Yvette sa tiyuhin na agad na napatayo sa kinauupuan at umupo sa tabi niya, while holding her both hands. “You see, hija we are still fortunate enough for having a strategist inside the company. We feel so helpless about the situation that I ordered everyone to get me the business plan that Patrick left for the company. Most of those papers were not signed and approved by Patrick, himself since it was still incomplete when in terms of planning. Kung hindi masyadong magastos, masyado namang mataas ang risks kapag ginamit. But luckily, one of the marketing strategies who found a very interesting business proposal written by Patrick, himself found some of the loopholes and the reason why it wasn’t approved by Patrick despite the good sales we could get from it. And that strategies, gave us the solution for those problems making the business proposal approval. And I did approve to it. Everything was going well, the materials and even the needed strategic plans were all prepared. The only problem we had is a partnership from a big company so that the proposal will have a great backing, and a strong foundation before starting. Maraming kompanya ang pinasahan namin ng proposal, pero halos lahat sila ay gustong makalamang kaya naman sa huli ay kami pa rin ang humindi sa bawat isa sa kanila. At lahat ng alam naming kompanyang makakatulong ay nalapitan na namin at natanggihan sa huli, pero may isang hindi ko magawang lapitan hija,” Uncle Carlo trailed off to the end and nervously look at Yvette’s eyes. Hindi tuloy maiwasan ni Yvette ang pagtaasan ng kilay ang tiyuhin, “What? Don’t tell me, Uncle na masyadong malaki ang kompanyang iyon para tulungan ang maliit na kompanya natin?” nakataas pa ang isang kilay na tanong niya sa tiyuhin nang hindi na ito muling magsalita. Dahan-dahan namang binitawan ni Uncle Carlo ang mga kamay ni Yvette sabay napakamot sa likod ng ulo. “Hindi naman sa gano’n hija,” hindi makatinging sabi nito, “Sa totoo lang ay nilapitan ko na siya. Ako pa nga mismo ang nakipag-usap sa kanya. Maayos naman ang naging usapan namin, he even praised the proposal and said that it will be a blast. Pero noong tanungin ko na siya tungkol sa partnership ay, well he didn’t actually immediately disagreed. He just stared at me for minutes before he asked us about what the partnership would bring to him,” napakunot noo naman si Yvette sa narinig at balak sanang magsalita ng unahan siya ng tiyuhin, “Don’t get it wrong, Yvette hija. Nagpapakatotoo lang talaga siya nang sabihin niya iyon. Afterall, he was one of the most renowned business men in the industry, not only in the Philippines but to the whole Asia, and most of his business partners are all from big and multi companies not only to the whole Asia but some, even to the whole world. Ano naman ba ang kompanya laban doon?” naiiling pang wika ni Uncle Carlo habang nakatingin kay Yvette. Napaiwas naman ng tingin si Yvette sa tiyuhin. Hindi niya kasi maatim na masyadong binababa ng tiyuhin ang tingin sa sarili at sa kakayahan niya. Alam niyang magaling ang tiyuhin, sadyang kulang lang ito sa mas malawak na experience pagdating sa pagmamanage ng malakihang kompanya. Pero hindi din niya masisi ang sarili, dahil batay sa deskripsyon ng tiyuhin ay talagang maliit nga lang sila kung ikukumpara sa kompanyang iyon. “Kung hindi lang siguro niya ako kilala, ay baka hindi ko na siya mapakiusapan. And it was why I am also here with you, hija,” biglang seryosong sabi ni Uncle Carlo, holding Yvette’s hands again. “I need you to make him sign the contract. I know this is really hard for you but this is the only way we can help the company and also the money you need for your daughter,” seryosong dugtong ni Uncle Carlo. “What do you mean, Uncle? Why do I need to make that person sign the contract? Is he that special? Talagang kailangan ko pang umuwi para lang papirmahin siya? If you can’t do that, then how possibly can I? At tsaka, kung ayaw niya we don’t need to push it. We can look for others, like here in California. I knew some people who can help us, Uncle. Kung ayaw niya, e’di wag niya,” kunot na kunot ang noong sabi ni Yvette sa tiyuhin. Mabilis namang napailing doon ang tiyuhin. “We can’t do that hija. The business is in the country, not here in California so we can’t asked help from outsiders. At isa pa . . .” Uncle Carlo trailed off as he carefully look at Yvette, “K-kilala mo naman siya hija. So, maybe, you can make him sign the contract,” napataas naman ang kilay ni Yvette ng makita ang biglang pag-iwas ng tingin ng tiyuhin. “I know him? And who might be this person? Bakit kailangang ako pa ang lumapit para lang mapapirma siya, kung kilala mo din pala siya, Uncle?” sunod-sunod na tanong ni Yvette kay Uncle Carlo na hindi naman agad nakasagot sa kanya. “Uncle?” taas ang isang kilay, habang nakakrus ang mga braso sa dibdib na tawag niya sa tiyuhin. Napakamot na lang sa ulo si Uncle Carlo bago napatingin sa pamangkin. He helplessly sighed as he stared at his nephew. “Well, you really know him, Yvette. How can’t you not know your childhood friend, right?” Uncle Carlo said. to be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD