HINDI na yata masasanay pa si Yvette sa ugali ng boss niya. At hindi niya na rin hihilingin pa ang masanay sa pagtrato sa kanya ni Nickolai. Noong unang mga linggo nang pagiging personal assistant and secretary ni Yvette kay Nickolai ay napagtitiisan niya pa ang mga pinapagawa sa kanya ng lalaki. Mula sa walang-sawa nitong pag-uutos sa kanya, na kahit pa nga hindi naman na iyon kasama sa trabaho niya bilang sekretarya ay hinayaan na lang ni Yvette ang lalaki at sinunod lahat ng iniutos nito. She could even find Nickolai, cute and childish. Na kahit sa simpleng papuri lang nito sa masarap na pagkaing inihahanda sa kanya ni Yvette ay hirap pa itong magpasalamat. Sa halip ay idadaan nito sa pagsusungit na hindi naman talaga bagay sa kanya at nagmumukha lang siyang nagta-tantrum na baby-damu

