PAGE 37 Mad ***** "Andrew?" Si Dennis ang unang nakabawi sa kabiglaan. "May problema ba?" Bahadyang napaawang ang labi ko sa gulat. Ang rude naman ni Andrew para istorbohin kami sa gitna ng dance floor. Hindi ba pwedeng hintayin niya kaming matapos? Hindi naman sa dahil gusto ko pang kasayaw si Dennis. Panget lang talagang tignan yung action niya. "Sorry for the distraction. But, some company investors wants to speak with you." Blanko ang face expression niya. Nagpalitan kami ng tingin ni Dennis. Pero ako na rin iyong unang nagdecide. "Go on, Dennis. Dun na lang ako sa table natin maghihintay." "Alright." Alanganin na tumango si Dennis. "I'll be back fast." Bumaling siya kay Andrew. "Saan sila?" "VIP Lounge." Humakbang na paalis si Dennis pero huminto uli ng makitang hi

